Polisiya sa pagkapribado

Para magbigay sa inyo ng aming mga produkto at serbisyo, magbigay sa inyo ng na-update na impormasyon, at sumunod sa nalalapat na batas, kinokolekta namin ang personal na nakikilalang impormasyon (pagkatapos nito, personal na impormasyon) mula sa inyo bilang gumagamit o inaasahang gumagamit.

Napakaimportante sa amin ang inyong personal na impormasyon, at prioridad at polisa naming pangalagaan at respetuhin ang pagiging kumpidensya ng mga impormasyong kinokolekta namin at ibinibigay ninyo sa amin.

Ang Polisa sa Pagkapribado na ito ay ibinibigay at nalalapat sa lahat ng mga produkto at serbisyo na ibinibigay sa inyo ng EXEX LDT.

Anong uri ng impormasyon ang kinokolekta namin:

  • 1.ang iyong pangalan;
  • 2.ang iyong pagkakakilanlan na larawan;
  • 3.mga detalye mula sa iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan (tulad ng lisensya sa pagmamaneho, pasaporte), numero ng dokumento, petsa ng pagbigay at pag-expire, pagkakakilanlan na larawan, address atbp.;
  • 4.ang iyong tirahan;
  • 5.ang iyong numero ng telepono;
  • 6.ang iyong e-mail address;
  • 7.ang iyong IP address, impormasyon ng Browser at Operating System, mga detalye ng geolocation;
  • 8.ang iyong mga detalye ng banko kabilang ang mga numero ng account at data ng card ng pagbabayad;
  • 9.ang iyong petsa ng kapanganakan;
  • 10.ang iyong mga detalye ng trabaho;
  • 11.ang iyong mga pangangalakal;
  • 12.impormasyon sa mga pinagmumulan ng iyong mga pondo;
  • 13.video footage na kumikilala sa inyo;
  • 14.mga cookie.

Hindi namin kinokolekta ang anumang impormasyon na maaring kumilala sa inyo nang wala kayong pahintulot. Gayunpaman, gumagamit kami ng Google Analytics sa Platform. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa Google Analytics at ang "huwag subaybayan" na polisiya nito, pakibisita ang Mga Tuntunin at Serbisyo ng Google Analytics.

Paano namin gagamitin ang iyong Personal na Impormasyon

Kinokolekta namin ang personal na impormasyon at data mula sa inyo para lumikha ng Kasunduan, sa pagitan mo at sa amin, para sa pagbibigay ng mga produkto at serbisyo na kinokontrol sa ilalim ng espesipiko sa serbisyong Mga Tuntunin at Kondisyon.

Ayon sa ligal na pananagutan nangongolekta din kami ng personal na impormasyon at data mula sa inyo para sa layunin ng pagkakakilanlan at pagsunod sa nararapat na pagsusumikap ng kliyente alinsunod sa mga batas na sumasaklaw sa hinahangad nating relasyon sa negosyo (KYC at AML).

Pinoproseso namin ang personal na impormasyon at data mula sa inyo para pangalagaan ang lehitimo naming mga interes sa pagsisimula ng ligal na mga claim, at paghahanda ng aming depensa sa mga pamamaraan ng paglilitis, hinahadlangan ang pandaraya at potensyal na krimen, seguridad ng asset at mga kontrol sa pag-access, at pangkalahatang pamamahala sa internal na peligro.

Maari naming gamitin ang impormasyon para ipatupad ang iyong mga kahilingan sa transaksyon at mga order sa pangangalakal.

Gusto naming pagbutihin ang aming serbisyo sa kostumer at makakatulong sa amin ang impormasyong ibinigay ng mga gumagamit sa aming pagtugon sa mga kahilingang serbisyo sa kostumer at higit na masuportahan ang mga kinakailangang suporta.

Istrikto naming sinusundan ang pinakamahusay na gawi ng industriya sa industriya at sumunod sa mga patakarang nakasaad sa GDPR, OPPA, CAN-SPAM at COPPA.

Mga pandaigdigang paglilipat ng data

Nakatalaga sa ibat-ibang lokasyon ang aming mga kontraktor at kaakibat (kabilang ang mga bansang matatagpuan sa labas ng EU) at kailangan namin kung minsan na ilipat ang inyong personal na data sa ikatlong mga bansa para ibigay ang aming mga serbisyo sa inyo.

Ilalabas namin ang inyong Personal na Impormasyon kung kinakailangan ng batas (hal. para sumunod sa subpoena, warrant, utos ng korte, o ligal na prosesong inihain sa EXEX), at kapag naniniwala kaming mahalaga ang paglabas para protektahan ang aming mga karapatan, iwasan ang litigasyon, protektahan ang iyong kaligtasan o kaligtasan ng iba, siyasatin ang pandaraya, at/o tumugon sa kahilingan ng pamahalaan.

Ibabahagi namin ang Personal na Impormasyon sa ilang mga kumpanya na nagsasagawa ng ilang mga serbisyo para sa amin sa batayang kailangan-na-malaman. Kakailanganin namin sa anumang kumpanya na pagbabahaginan namin ng Personal na Impormasyon na protektahan ang data na iyon sa paraang naaayon sa polisiya na ito at para limitahan ang paggamit ng naturang Personal na Impormasyon sa pagsasagawa ng mga serbisyo para sa EXEX.

Seguridad

Ipinatupad namin ang teknikal at organisasyonal na mga hakbang sa seguridad para masiguro ang pagiging kumpidensyal, integridad at pananagutan ng iyong Personal na Impormasyon mula sa pagkawala, maling paggamit, pagkabago o pagsira. Kabilang sa mga hakbang:

- ang pseudonymisation at TLS 1.2 encryption ng personal na data;

- 2-factor na pagpapatunay;

- ang kontrol sa pag-access;

- ang kakayahang masiguro ang patuloy na pagiging kumpidensyal, integridad, pagiging handa at katatagan ng aming mga sistema at serbisyo ng pagproseso;

- ang kakayahang ipanumbalik ang pagiging handa at pag-access sa personal na data sa napapanahong paraan sa kaganapan ng pisikal o teknikal na insidente.

Awtorisadong kawani lamang ng EXEX ang makaka-access ng iyong Personal na Impormasyon, at kinakailangan ang mga kawani na ito na tratuhin bilang kumpidensyal ang impormasyon.

Pagbubura ng data ng gumagamit

Upang burahin ang iyong account at lahat ng data na nauugnay dito, maaari kang:

- magbura nito sa iyong sarili sa pamamagitan ng pag-click sa “Burahin ang account” sa tab na “Seguridad” (ang menu ng “Profile” sa iyong account);

- magpadala ng isang kahilingan sa paksa sa serbisyo ng suporta;

- gumawa ng kaukulang kahilingan sa support@exex.com.

Mga Cookie

Kapag ginamit mo ang aming mga produkto at serbisyo, maaring gamitin namin ang karaniwang gawi na paglalagay ng munting mga data file na tinatawag na cookies, flash cookies, pixel tags, o iba pang mga kagamitan sa pagsubaybay (dito ay, "Cookies") sa inyong computer o ibang mga ginagamit na aparato habang nakikipag-ugnay sa amin. Gagamitin namin ang cookies para tumulong na makilala ka namin bilang kostumer, mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng aming mga produkto at serbisyo, para mas mahusay na ma-customize ang aming mga serbisyo at nilalaman para sa iyo, at para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong computer o ibang mga aparato ng pag-access para masiguro ang aming pagsunod sa aming AML na mga pananagutan.

Makipag-ugnay sa amin

Kung ikaw ay may anumang mga tanong, reklamo, komento, at mga kahilingan tungkol sa Polisiya ng Pagkapribado na ito, welcome ka na makipag-ugnay sa amin sa compliance@exex.com

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Seychelles, Mahe, Victoria, Frances Rachel Street, Sound & Vision House, Suite 1
©Exex
EXEX LTD. Registered Number: 232147
©Exex
EXEX LTD. Registered Number: 232147
Seychelles, Mahe, Victoria, Frances Rachel Street, Sound & Vision House, Suite 1