0% proseso ng pagbasa
/ Alin ang dapat piliin: CEX o DEX?

Alin ang dapat piliin: CEX o DEX?

Na-publish 31 August 2023
Oras ng pagbasa 0 Mga Minuto

Description

Ano ang crypto exchange? Sa pangkalahatan, isa itong place ng storage, exchange, at karagdagang earnings para sa maraming investor sa mga digital asset. At isa rin itong community, isang tunay na phenomenon para sa mga taong magkakatulad ang pananaw at mga market activist na nagbabahagi ng kanilang karanasan, natututo, at nakikipagtalakayan tungkol sa mga isyu sa pag-develop ng market. At ang isa sa pinakamaiinit na isyu sa community ay ang debateng ito: alin nga ba ang mas mahusay na centralized o decentralized exchange. Aling exchange ang dapat gamitin ng investor? Susubukan din naming sagutin ang tanong na ito.

Centralized cryptocurrency exchange

Depinisyon ng CEX

Ang CEX (Centralized Exchange) ay isang specialized platform na nagbibigay sa mga user ng serbisyo ng exchanging, trading, at passive earning sa cryptocurrency sa pamamagitan ng personal account at registration. Simple lang naman ang principle ng CEX: nagtitiwala ang user sa awtoridad ng exchange at ginagamit ang serbisyo nito. At bilang kapalit, sino-store ng exchange ang cryptocurrency ng mga user sa hiwalay na exchange wallet at nagpo-provide ng access sa wallet sa pamamagitan ng personal account ng user.

Isa ito sa mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga centralized at decentralized crypto exchange.

Paano gumagana ang mga centralized exchange

Nagpo-provide ang mga exchange ng access sa serbisyo ng mga ito sa pamamagitan ng application o website. Ang bawat bagong user ay dapat pumasa sa simpleng pag-register (i-enter ang iyong pangalan at apelyido, at i-link ang phone o e-mail mo sa account).

Pagkatapos ng pag-register, ang ikalawang hakbang ay ang pag-verify ng user. Isa itong dokumentaryo na kumpirmasyon ng pagiging valid ng data. Maaaring i-request sa iyo ng platform na magbigay ng photo ID, bank statement, kumuha ng photo bilang patunay ng pagkakakilanlan, atbp. Iba’t iba ang mga kinakailangang dokumento at mga tuntunin ng pag-verify. Nakasalalay ang lahat sa pagpili ng platform mismo, at sa mga patakaran ng panloob na regulasyon ng sektor ng crypto sa bansa ng gumagamit.

Ang pag-verify ay gumaganap ng ilang mahahalagang function para sa CEX:

  • Pagpapatupad ng mga panuntunan sa Know Your Customer (KYC) at Anti-Money Laundering (AML).

Alinsunod sa hanay ng mga internasyonal na kasunduan na ito, kailangang mapanatili ng mga cryptocurrency exchange ang pagiging transparent at kawastuan ng market.

  • Gumagawa ito ng link sa pagitan ng account ng customer at walle ng exchange.

Ang isang cryptocurrency investor ay walang access sa isang wallet sa exchange pero nakakakuha lang siya ng access dito. Nagbibigay ang pag-verify ng lohikal na pagpasok at pamamahagi ng mga karapatan sa mga asset.

  • Binubuksan nito ang access sa isang pinalawak na bilang ng mga serbisyo.

Maraming centralized crypto exchange ang naghihigpit sa mga hindi na-verify na user. Hindi nila ma-access ang ilang mga serbisyo o mayroon silang pinababang antas ng pag-deposit at pag-withdraw.

Magiging malinaw ang principle ng CEX, lalo na sa mga investor na nagte-trade sa Forex o stock market. Pangunahing nag-aalok ang exchange ng exchange at trading sa cryptocurrency. Makikita sa order book ang lahat ng transaksyon. Puwedeng makita ang lahat ng buy at sell transaction sa online. Nag-aalok ang maraming platform ng mga financial leverage tool, at ng leverage. Halimbawa, ang EXEX exchange ay may isa sa pinakamatataas na rate para sa pag-trade nang may leverage: hanggang X500 kada trade.

Ang earnings sa exchange ay nagmula sa mga komisyon mula sa bawat transaksyon. Indibidwal na itinakda ng bawat platform ang amount ng mga komisyon.

Mga sikat na serbisyo sa centralized crypto exchanges (CEX)

Kabilang sa mga pinakakaraniwang serbisyo sa mga CEX exchange:

  • Pag-buy ng cryptocurrency sa pamamagitan ng mga fiat gateway at bank card;
  • Spot trading, leveraged margin trading, P2P trading, trading sa tulong ng mga trading bot;
  • Futures at options derivatives trading;
  • Liquidity Farming at DeFi Stacking;
  • Launchpad at presales;
  • NFT trading;
  • Copy trading, at iba pa.

Ilan na nga ba ang CEX exchange na mayroon?

Sa ngayon, nag-aalok ang crypto market ng napakaraming centralized trading platform. Nagsisikap ang lahat ng ito para magbigay ng pinaka-diverse na serbisyo at mga opsyon, na hindi katulad ng mga kakumpitensya. Ayon sa analytical portal na Coingecko, mayroon na ngayong mahigit 660 CEX crypto exchanges. Ang pinakamalalaki ay Huobi, Coinbase, Bybit, KuCoin, Kraken, Binance, atbp.

Pros ng CEX

Ano ang mga benepisyo ng mga centralized platform?

  • Ang unang advantage ay ang pagiging accessible, at madaling gamitin.

Halos lahat ng tao sa mundo ay may mapagpipiliang ilang centralized crypto exchange. Depende sa mga layunin ng user, maaaring piliin ng isa ang tamang serbisyo at serbisyo. Ang supply ng mga exchange sa isang bansa ay nakasalalay sa panloob na regulasyon ng industriya, ang pagkakaroon ng lisensya para sa exchange, at mga legal na restriksyon. Pero kahit ganito, nananatiling sapat ang mga mapagpipiliang exchange. Ang kadalian ng paggamit ng CEX ay mas mainam kaysa sa DEX exchange. Pumunta ka lang sa site at natural mo nang maiintidihan ang paggamit nito. Para sa mga DEX exchange naman, hindi ito gaanon simple; sa sitwasyong ito, kailangan mo ng ilang karanasan bilang isang crypto investor.

  • Iba’t ibang klase ng serbisyo

Kadalasan, mas maraming serbisyo ang nao-offer ng mga centralized exchange sa mga customer ng mga ito. Parehong may direct exchanges sa fiat, madaling pag-purchase ng cryptocurrency, passive earnings, at iba pa.

  • Feedback

Nakikipag-ugnayan ang mga centralized platform sa mga customer ng mga ito. Kasama na rito ang 24/7 chat, technical support, at mga instruction para sa application. Hindi mararamdaman ng user na nag-iisa siya.

Cons ng CEX

  • Ang una at pangunahing disadvantage ay ang censorship. Ipinagkakatiwala ng user ang kanyang mga asset (kung maaari kong sabihin). Ang mabilis na pag-withdraw ng funds ay nakasalalay sa exchange at sa pagsunod nito sa mga malinaw na pamantayan. Nawawala sa investor ang kanyang cryptocurrency kapag nagkaroon ng anumang error sa system, hindi paggana dahil sa teknikal na isyu, o sinasadyang scam.

  • Kakulangan ng privacy

Anonymity ang isa sa mga benepisyo ng paggamit ng cryptocurrency. Gayunpaman, ang pangangailangan para sa mga CEX exchange na sumunod sa mga panuntunan ng KYC at AML ay ganap na sumisira sa advantage na ito.

Decentralized cryptocurrency exchange

Depinisyon ng DEX

Ang Decentralized Exchange (DEX) ay isang special application para sa pag-trade ng crypto-assets, na gumagamit ng awtomatikong pag-execute ng mga transaksyon gamit ang smart contracts. Simple lang ang principle ng DEX: naa-access ng mga user ang mga serbisyo ng decentralized exchange sa pamamagitan ng non-custodial wallet (tulad ng MetaMask). Hindi kailangang i-hold ng exchange ang assets ng users. Mismong ang investor ang magsasagawa ng pag-manage at pag-store.

Paano Gumagana ang mga Decentralized Exchange

Ang protagonists ng DEX exchanges ay smart contracts. Salamat sa smart contracts na ito, ang lahat ng transaksyon ay awtomatikong ginagawa, at ‘di na kailangan pa ng isang centralized management body.

Paano gumagana ang DEX? Simple lang: pumunta sa anumang decentralized service. Ang unang bagay na hihilingin sa iyo na gawin: ikonekta ang iyong wallet. Isa itong karaniwang pamamaraan na pumapalit sa pag-authorize at pag-verify sa CEX. Kapag nakakonekta na, isa ka nang ganap na user at puwede ka nang mag-exchange, mag-sell at mag-buy ng mga token, sa blockchain na sinu-support ng exchange. Maaari ka ring maging isang liquidity provider at makatanggap ng porsyento sa bawat transaksyon.

Ang pag-evaluate at pag-execute ng mga transaksyon sa DEX exchange ay hindi ginagawa sa pamamagitan ng order book pero sa pamamagitan ng serbisyo ng Automated Market Maker (AMM). Isa itong special protocol na nag-e-evaluate ng lahat ng sell at buy contract nang real-time at ibinibigay nito ang aktwal na rate sa kasalukuyang oras.

Mga sikat na serbisyo sa mga decentralized crypto exchange (DEX)

Karaniwan, ang mga DEX exchange ay hindi nagbibigay ng kasingdami ng mga serbisyo gaya ng CEX. Pag-sell at pag-buy, at pag-exchange pa rin ang mga pangunahing function. Gayunpaman, maraming token na hindi pa nag-aanunsyo ng official listing ang available na i-exchange sa DEX, na hottest offer sa cryptocurrency market.

Ilan na nga ba ang DEX exchange na mayroon?

Sa oras ng paglalathala ng artikulong ito, ipinahayag ng Coingecko portal na mayroon nang higit sa 600 decentralized trading venues. Ang araw-araw na trading volume ay $1,570,395,957.

Pros ng DEX

  • Seguridad ng mga asset

Syempre, ang pangunahing advantage ng mga DEX exchange ay ang autonomy ng investor. Nasa crypto wallet ng user ang funds niya, at walang centralized authority o third-party issuer ang makakapag-block sa kanya. Sa ganitong paraan, natitiyak ng investor ang kanyang sarili mula sa pagkalugi ng centralized platform.

  • Seguridad ng data

Sa DEX, hindi kailangan ng kumpletong pag-verify. Siyempre, nagre-request ang ilang modernong decentralized exchange ng patunay ng pagkakakilanlan, pero gayon pa man, ang DEX ay hindi gaanong biased. At nangangahulugan iyon na hindi gaanong marami ang impormasyon na kinokolekta, at hindi maaaring makompromiso ang data ng user.

  • Iba’t ibang klase ng mga token

Inaalok ng mga DEX exchange ang mga pinakabagong market token na puwedeng i-trade. Dahil sa mga bagong token, maaaring kumita nang higit pa ang mga user ng mga decentralized exchange.

Cons ng DEX

  • Hindi mauunawaan agad ng mga baguhan

Kapag gagamit ng decentralized exchange, kailangan munang aralin ang blockchain structure, pag-create ng non-custodial wallet account, atbp. Para sa investor na nagsisimula pa lang, maaari itong maging kumplikadong paraan. Kaya naman, hindi angkop ang mga decentralized exchange para sa mga ganitong uri investor.

  • Pag-fail ng liquidity

Parehong users ang DEX liquidity providers. Sa gayon, maaaring magka-liquidity dip kapag, sa anumang dahilan, hindi sapat ang mga asset na mae-exchange.

Paano mapipili ang tamang exchange sa Pilipinas?

Kapag isa kang mamamayan ng Pilipinas at kailangan mong pumili ng exchange, syempre, dapat isaalang-alang ang salik ng teritoryo. Anong mga exchange ang available sa mga mamamayang Filipino? Wala bang mga sanksyon sa paggamit ng mga ito? Legal ba sa Pilipinas ang serbisyo ng cryptocurrency na ‘yan? Ilan lang ito sa mga pangkalahatang katanungan.

Mayroon ding mga indibidwal na tanong: kailangan mo bang mag-withdraw sa fiat sa Pilipinas? Gusto ba ng user na gumamit ng passive income? O ng credit funds?

Maraming ganitong tanong. At parehong may sagot ang DEX at CEX para sa mga ito. Kaya bago pumili ng mga exchange na gagamitin sa Pilipinas, ipinapayo namin sa iyo na unawain mo munang maigi kung ano ang eksaktong kailangan mo.

Konklusyon

Alin ang dapat piliin: CEX o DEX? Paano masasagot ang tanong na ito? Napakaraming indibidwal na katangian ng bawat kliyente. Kailangang pumili para sa kanilang sarili ang lahat ng investor. Ano ang mga layunin ng user? Anong serbisyo ang dapat gamitin? Mayroon bang sapat na karanasan? Napakarami naman talaga ng mga ganoong katanungan. Makakapili lang ang user kung nasagot na mismo ang mga katanungang gaya ng mga ito.

Mismong ang bawat indibidwal ang pipili kung alin nga bang platform ang mas mahusay. Gayunpaman, inirerekomenda namin na bigyan mo pa rin ng pansin ang EXEX exchange. Isa itong classic na CEX exchange, na may serious tools para matulungan kang mag-trade bukod pa sa mga advantage nito! Maraming indicator, automatic na pag-close ng deal, ang pinaka-cool na RSI indicator (sasabihin sa iyo kung kailang mag-o-open/magko-close ng deal), at iba pa, at pati na rin ang demo balance na $1000 at x500 leverage - ilan ang pa lang ‘yan sa mga magbibigay-daan para masimulan ng isang baguhan ang pagte-trade! Sumali na!

Rate article

Thank you for your rating, your vote has been counted

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania