0% proseso ng pagbasa
/ Ano’ng ibig sabihin ng KYC sa cryptocurrency, at gaano kahalaga ang pag-verify sa crypto?

Ano’ng ibig sabihin ng KYC sa cryptocurrency, at gaano kahalaga ang pag-verify sa crypto?

Na-publish 23 November 2022
Oras ng pagbasa 5 Mga Minuto
What is KYC?

Description

Ano’ng ibig sabihin ng KYC sa crypto? Gaano kahalaga ang prosesong ito? Paano ito nakakaapekto sa decentralization ng anonymity ng mga cryptocurrency? Paano mag-buy ng crypto nang walang ID? Paano ito dapat asikasuhin ng mga user? Nasa artikulong ito na inihanda namin ang lahat ng tungkol dito.

Ang cryptocurrency ay may isang kahanga-hangang katangian—pagiging anonimo o mas kilala sa English bilang “anonymity.” Ang natatanging feature nito ay ang anonymity. Maaaring may mga ideya ang ilang user tungkol sa hindi sinasadyang paggamit ng crypto. Kinakailangan ang paggamit ng pag-verify ng crypto para kontrahin ito at panatilihin ang paglilipat ng pananalapi (o financial turnover) na alinsunod sa batas!

Ano ang KYC o pag-verify ng pagkakakilanlan?

Opisyal na vine-verify ng KYC (Know-Your-Customer) ang pagkakakilanlan ng isang user ng cryptocurrency. Nire-request ng mga service provider ng crypto ang pamamaraang ito: mga exchange, trading platform, at storage wallet. Ang pangunahing layunin ng proseso ng pag-verify ng crypto ay para mabawasan ang pressure sa mga cryptocurrency mula sa ilegal na trafficking ng mga pondo at upang labanan ang pandaraya sa industriya.

Ano ang pangkalahatang proseso ng KYC?

Tulad ng karaniwang kinakailangan, inaalok sa pag-register ang proseso ng pag-verify para sa KYC sa mga crypto exchange o wallet. Maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng patunay ng pagkakakilanlan: gaya ng driver's license, passport, ID, mga utility bill, o bank statement - anumang dokumento na maaaring mag-link ng iyong account sa exchange sa isang totoong buyer. Pinapanatili nito ang kondisyonal na anonymity ng blockchain: walang iba kundi ang platform mismo ang nagmamay-ari ng iyong ibinigay na impormasyon at hindi nagbubunyag ng data ng user sa publiko.

Bilang panuntunan, binubuo ng tatlong hakbang ang proseso ng pag-verify ng crypto para sa KYC:

  1. Programa sa Pagkilala sa Customer o Customer Identification Program (CIP). Ito ang unang hakbang ng pag-request at pagtanggap ng data tungkol sa bagong user at pagkolekta ng impormasyon.

  2. Pag-verify ng data (Customer Due Diligence o CDD). Ito ang proseso ng pag-analyze sa impormasyong natanggap, kasama ang pag-check sa mga open source at database, at pag-check sa kredibilidad at pagkakaroon ng mga problema sa money laundering sa pamamagitan ng mga digital asset. Ganito pinapanatiling ligtas ng isang exchange o purse ang saril nitoi at ang mga customer nito, na pumipigil sa pagkalat ng maruruming asset at panloloko.

  3. Pagkumpirma ng pag-verify na sinusundan ng pag-monitor. Kung nakatanggap ka ng positibong tugon sa kinalabasan ng pag-verify (ito ang karamihan sa mga sitwasyon), puwede mong gamitin ang lahat ng available na serbisyo ng exchange. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang pag-monitor sa pagiging lehitimo ng mga proseso ay tapos na sa puntong ito. Hindi. Ang mga service platform ay may pananagutan para sa pag-verify ng cryptocurrency upang maiwasang magamit para sa mga malisyosong layunin ang mga serbisyong inaalok nila.

KYC: how it works

Bakit mandatoryo ang KYC para sa karamihan ng mga cryptocurrency exchange?

Ang proseso ng pag-verify ng crypto para sa KYC ay hindi isang disadvantage ng exchange. Kapaki-pakinabang ito lalo na para sa mga user. Ang proseso ng pagkakakilanlan ng crypto ay kinakailangan para sa legal na sirkulasyon ng mga digital asset, at sa paggamit ng mga cryptocurrency na sumusunod sa larangan ng regulasyon ng mga bansa. Sa madaling salita, inaako nito ang responsibilidad sa paggamit ng cryptocurrency at pagkumpirma ng iyong mga aksyon nang naaayon sa batas. Dahil sa KYC, nagagawa mong pigilan ang iligal na paglilipat ng mga pondo at money laundering gamit ang cryptocurrency, upang matukoy nang maaga ang mga posibleng kaso ng pag-sponsor ng mga ilegal na aktibidad, kabilang ang terorismo, at ang mga pinagmumulan ng pagpopondo na ito. Ang KYC para sa isang user ay ang insurance ng kanyang mga pondo at patunay ng pagmamay-ari ng mga asset sa isang partikular na user.

Maaaring magdala ng mga risk sa investment para sa investor ng crypto ang pag-buy ng crypto nang walang ID. Kung tutuusin, walang sinuman ang makakapagkumpirma sa pagiging lehitimo ng mga pondong ito at "kalinisan" nang walang pag-verify. Ang paggamit ng mga exchange nang walang KYC ay isang risk sa investment at nagpapahiwatig na mas gusto mong malagay ka malabong sitwasyon na hindi kinokontrol ng karaniwang tinatanggap na mga panuntunan.

Ano ang pagkakaiba ng KYC at AML?

Ang AML ay isang pamamaraan para sa anti-money laundering. Sa pangkalahatan, ang KYC ay bahagi ng pamamaraang ito, isang pinagsama-samang tool para sa pagkolekta at pag-analyze ng data para sa AML.

Paano ko ive-verify ang aking crypto?

May ilang opsyon para i-check ang iyong sariling cryptocurrency para sa "kalinisan" at legalidad sa legal na larangan. Tinutulungan ka ng mga espesyal na tracking site para ikaw mismo ang makapag-audit ng mga asset na mayroon ka sa iyong wallet. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga risk ng paggamit ng cryptocurrency. Ngunit ang pangunahing panuntunan ay “digital hygiene”: walang kahina-hinalang exchanger, exchange na walang KYC, mixing service, at anonymous na transaksyon.

KYC: know your customer

Paano nakakaapekto ang KYC sa decentralization at anonymity?

Para sa maraming user, ang KYC at AML ay maaaring mukhang laban sa anonymity at salungat sa decentralized na katangian ng blockchain at mga cryptocurrency. Gayunpaman, hindi naman talaga ganito ang sitwasyon para sa Pilipinas. Ang mga exchange at wallet ay hindi nagre-record ng data na ibinigay ng blockchain at hindi rin pina-publish ng mga ito sa publiko ang data na ito, at hindi rin ibinibigay ng mga ito sa kahit sino ang impormasyon ng (maliban sa partikular na kaso ng kahilingan para sa pagpapatupad ng batas). para sa pangkalahatang network, isa ka mang investor sa Bitcoin, Ethereum, o Solana, ang iyong wallet ay patuloy na magiging katulad ng dati: isang set lang ng mga bilang at letra na walang espesipikasyon. Isa itong uri ng insurance laban sa ilegal na paglilipat ng mga pondo sa Manila, Davao City, Cebu City, o Makati at garantiya para sa exchange.

Para mas maunawaan, maaari itong ihambing sa pagkuha ng bank card.

Halimbawa, para makatanggap ng bank card (pag-register ng account sa Pilipinas), kailangan mong magbigay ng impormasyon tungkol sa sarili mo at sa iyong personal na impormasyon (pumasa sa pag-verify). Pero hindi pina-publish ng bangko ang iyong data sa mga resibo kapag bumili ka ng kape o pizza sa isang cafe. Nananatili lang ang data na ito sa pagitan mo at ng bangko. At hindi ka naman nakakatakot dito. Kaya dapat ka bang matakot sa pag-verify sa mga exchange?

How to pass KYC on EXEX

Konklusyon

Kung isasaalang-alang na kapaki-pakinabang nga ba o hindi ang KYC, malinaw ang kasagutan - Oo, ang pag-verify ay talagang kapaki-pakinabang. Isa itong hangganan na pumipigil para makaiwas ang mga cryptocurrency sa mga puwersa ng mga mapanlinlang na pamamaraan. Isang mahusay na prebensyon ang KYC, dahil mas mahusay na magbigay ng babala kaysa harapin ang mga kahihinatnan at kondenahin kung ano ang nagawa kinalaunan.

Ang isang exchange na laging nagmamalasakit sa mga kliyente nito ay pagaling “nag-iimbita ng mga may mabubuting hangarin” sa mga serbisyo nito dahil may malaking responsibilidad ang trading platform sa mga investor, at tumutulong ang KYC na gawin ang tama sa ganito o ganoong sitwasyon.

Sang-ayon ang EXEX exchange dito, at nag-aalok ito sa mga kliyente nito ng pag-verify para sa KYC, estabilidad, responsibilidad, at seguridad ng mga serbisyo para storage ng cryptocurrency.

Binibigyang-daan ng EXEX ang mga residente ng Pilipinas na nakapasa sa KYC para mag-trade ng Bitcoin nang may x500 leverage!
advantage-1
advantage-2
advantage-3

Rate article

Thank you for your rating, your vote has been counted

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania