/ Paano simulang mag-trade sa EXEX?

Paano simulang mag-trade sa EXEX?

Paano simulang mag-trade sa EXEX?

Ngayon, kapag nagpasya kang pumasok sa mundo ng Crypto, malamang na marami kang tanong. I-discover natin ang isang step-by-step na road map kung paano simulan ang pag-trade.

Paggawa ng account

Palaging nauugnay ang pinakasimula sa pag-explore ng mga bagong Platform. Natutuwa kaming nagpasya kang maging bahagi ng EXEX platform!

Para gumawa ng account, kailangan mo lang mag-sign up, i-link ang iyong email o telephone number, at iyon lang. Puwede kang matuto pa tungkol sa paggawa ng account sa pagsunod sa link na iyon.

Mga pangunahing kaalaman sa pag-trade

Kapag nakapag-register ka na, kailangan mong maunawaan kung ano ang cryptocurrency at kung paano ito naiiba sa fiat.

Nangyayari ang Cryptocurrency exchange sa market. Kaya, kailangan mong dumaan sa mga pangunahing kaalaman sa pag-trade. Sa market, mayroon kaming 2 uri ng mga deal - Long at Short. Kapag sa tingin mo ay tataas ang presyo ng asset, i-click mo ang “Mag-buy”, o sa madaling salita, mag-open ng Long position. At kapag naniniwala kang bababa ang presyo, i-click mo ang “Mag-sell”, o mag-open ng Short position. Depende sa mga prediction mo, ipapakita ang profit, o loss sa iyong screen. Mayroon din kaming mga indicator na nagpapakita sa iyo ng mga senyales kung maganda ba ang panahong ito para Mag-buy, Mag-sell, o manatiling neutral.*

Higit pa, tingnan kung ito ang pinakamagandang panahon para mag-trade dito mismo.

Simulang mag-trade

Nag-aalok ang EXEX sa iyo ng mga future para i-trade , tingnan natin kung paano ka makakapag-open ng deal:

  1. Para simulang mag-trade sa real funds, kailangan mong mag-deposit gamit ang crypto, o mag-buy ng crypto gamit ang fiat.

  2. Pagkatapos malagyan ang wallet mo ng deposit sa USDT o pagkatapos mag-buy ng USDT, pumunta sa tab na “Mag-trade” at piliin ang crypto pair na interesado ka; halimbawa, BTC/USDT.

  3. Sa screen, makikita mo ang section na may RSI indicator at ang mga button na “Mag-buy” at “Mag-sell”.

EXEX screen with RSI

  1. I-insert ang amount ng currency na gusto mong i-trade (#1 sa pic). Pakitandaan na na-calculate na ang amount, kino-consider ang leverage para sa currency pair.

  2. Sunod, puwede mong gamitin ang hint na ibinigay ng indicator, na nagsusuri ng mga market indicator sa dynamics, at magpasya kung anong deal ang gagawin (#2 sa pic) at kung anong level ng trading risk ang pipiliin (#3 sa pic).

Magbasa pa tungkol sa mga risk sa article naming "Pag-manage ng Risk".

Sa market situation na ito, ang indicator* ay nagpapakita ng neutral, puwede kang mag-antay para sa magandang pagkakataon para i-open ang deal o i-open ito sa mga prediction mo.

  • Laging pabago-bago ang cryptocurrency market at napapailalim sa maraming influence. Kaya naman, pinapaalalahanan ka ng EXEX na hindi financial na mga rekomendasyon ng EXEX ang mga rekomendasyon ng indicator. Ang mga indicator signal ay exchange tool na batay sa datos ng technical analysis.
  1. Batay sa mga prediction mo, i-click ang button na “Mag-buy” o “Mag-sell” para mag-open ng position. (#4 sa pic)

  2. Kapag naabot ng trend (price chart movement) ang nire-require na level ayon sa piniling risk level (sa sitwasyong ito, "Low"), kukunin mo ang iyong profit.

Walang strategy ang maggarantiya sa iyo ng 100% na profit sa bawat position. Minsan panalo ka, minsan natututo ka. Para makahanap ng algorithm na magbibigay sa iyo ng mas malaking profit ang main goal at hindi ang pagkalugi habang nagte-trade. Habang mas dumarami ang karanasan mo, matutunan mong i-apply ang pinakanaaangkop na strategy sa sitwasyon sa market.

KYC

Puwede mong simulang mag-trade sa EXEX kahit hindi ka fully verified. Kapag handa ka na, puwede mong ipasa ang KYC para madagdagan ang available amount na puwedeng i-withdraw bawat araw. Kung mas mataas ang verification level, mas malaking amount ang magiging available para ma-withdraw bawat araw. Kapag ganap nang na-verify ang iyong account, wala kang limitasyon sa pag-deposit at pag-withdraw. Sa pangkalahatan, nag-iiba ang tagal ng pag-verify mula 1 minuto hanggang 1 araw.

Puwede mong i-check kung paano ipasa ang KYC at kung anong mga dokumento ang kinakailangan Dito

Paano pagbutihin ang iyong diskarte sa pag-trade?

Kapag mas confdent ka na tungkol sa pag-trade, handa ka nang ipatupad ang analysis mo sa iyong mga prediction. Puwede mong gamitin ang mga pangunahin at technical analysis para makagawa ng mas tumpak na mga desisyon. Magbasa pa tungkol sa financial analysis dito.

Practice lang nang practice

Para maging isang mature na trader, kailangan mong mag-trade nang sistematiko. Gumawa ng trading schedule at sundin ito. Subukang matuto pa, at maglaan ng oras para masanay sa mga bagong instrument at diskarte.

Step-by-step, maaabot mo ang iyong layunin kung magpa-practice ka nang mahusay.

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania