0% proseso ng pagbasa
/ Fundamental vs. Technical Analysis

Fundamental vs. Technical Analysis

Na-publish 17 January 2023
Oras ng pagbasa 4 Mga Minuto
Fundamental vs technical analysis

Description

Alamin ang Pagkukumpara sa Fundamental at Technical Analysis: Gabay ng Beginner sa mga Pro at Con sa Bawat Investment Analysis na Method. Makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkakaiba sa pagitan ng fundamental at technical analysis na gamitin ang pinakamagandang method sa pag-trade ng cryptocurrencies.

Technical analysis at fundamental analysis - pagkukumpara ng mga paraan sa mga investment analysis method para sa mga beginner

Gumagamit ang mga trader, analyst, at investor ng iba’t ibang method at indicator para matukoy ang mga presyo ng stocks at currencies, kasama ang mga virtual. Isa itong mahalagang tool para sa mga investor dahil hinahayaan nitong i-maintain ang efficiency ng investment at i-hedge laban sa mga posibleng downside na risk. Nakasalalay din ang value ng mga analytical tool na ito sa katotohanan na ito ay, madalas, objective methods ng analysis nang walang hypotheses o assumptions. Nahulaan mo na ba kung ano ang mga ito? Syempre, ang mga tool na ito ay ang mga fundamental at technical analysis.

What is fundamental analysis in trading

Sa totoo lang, nag-aalok ang maraming market ng maraming oportunidad para kumita, at ang magagaling lang na analytics ang ang nagbibigay-daan sa iyo na maka-discover sa mga ganitong paraan, anuman ang pagbaba o pagtaas sa value ng asset.

Ano ang mga fundamental analysis at technical analysis?

Magsimula tayo doon sa una. Ano ang Fundamental Analysis (FA)? Naglalarawan ang mismong pangalan nito tungkol sa method na ito - pagpapahalaga ito ng crypto company at sa cryptocurrency nito batay sa set ng economic, technical, at mga financial indicator. Applicable ang method na ito sa karamihan sa uri ng asset, hindi lang para sa cryptocurrencies pero para na rin sa pag-forecast ng value ng mga precious metal, security, currency market, at iba pa. Sinisigurado ng paggamit ng FA ang informed na desisyon sa pag-buy o pag-sell ng asset, kasama na ang cryptocurrency, depende kung nasa discount o premium ang pagti-trade sa cryptocurrency sa patas na presyo nito.

Madalas na gamitin ang fundamental analysis sa cryptocurrency market at iba pang market, kasama ang stock market, forex, atbpa. Sa sitwasyong ito, kino-consider ang iba’t ibang factor na puwedeng makaapekto sa presyo ng asset.

Fundamental analysis para sa mga crypto project: mga pangunahing pagkakaiba

Napakataas ng pag-rely ng investor sa fundamental analysis. Pinapayagan ka ng fundamental analysis na i-evaluate ang mga supply ng mga valuable asset sa market at ina-adjust ang portfolio mo para sa magandang profitability. Halimbawa, para makahanap ng overbought asset, dapat i-discard ang presyo nito habang mataas pa. O isang undervalued asset na malapit nang tumaas ang value.

Para sa stock market, inaaral ng isa ang mga prospect ng pagbabago ng value ng particular na asset batay sa set ng mga factor. Malamang sa malamang, ini-evaluate ang profitability ng company na nag-i-issue ng security, ng pagiging-innovative, at pagiging kapaki-pakinabang ng negosyo, market share, debt load, mga additive ratio, external na factor na nakakakaapekto sa pangkalahatang paggalaw sa industry, at iba pa. Pabago-bago ang lahat ng factor na ito. Bilang karagdagan, naglalayong imbestigahan ng fundamental analysis ang mga long-term prospect.

Para sa crypto project, medyo naiiba ang pagpapahalaga sa system sa fundamental analysis sa mga classical market. Naiimpluwesyahan ito ng specifics ng digital asset industry. Kaya naman, bilang karagdagan sa standard set ng mga factor, iniimbestigahan din ang mga sumusunod na indicator:

  • Paano puwedeng gamitin ang cryptocurrency ng company, at ano ang mga goal ng mga issuer?
  • Gaano kalaki ang demand para sa project, paano sinusuportahan ang community, at ano ang mga na bino-broadcast?
  • Mga technical indicator (kung saan ginagawa ang blockchain network ang coin, aktibidad, bilang ng mga transaction, network hash rate, at iba pa)?
  • Sino ang team, gaano kaeksperto ang mga developer?
  • Ang bilang ng mga user sa blockchain network.
  • Mga external factor at negativity sa market ay ang mga yugto sa economic cycle.
  • Pagsunod sa marketing strategy.

Ang mga goal sa paggamit ng fundamental analysis para sa investor

Mahalagang maintindihan ang layunin kung saan ginamit ang isa o ibang uri ng analytics. Para sa FA, mahalaga na i-test ang ang mga senaryo ng mga impluwensya ng iba’t ibang external factor. Puwede itong maging mga micro at macroeconomic parameter, ang objective quality ng project at ng pag-implement nito, regulatory pressure, mga political factor, at iba pa. Kino-consider ng FA ang lahat ng risk at ang pressure nito sa presyo para makapagbigay ng medium- at long-term forecast.

Technical Analysis: Ano ito

Mabuti, naiintindihan natin kung ano ang fundamental analysis. Pumunta naman tayo sa pangalawang konsepto.

Ang technical analysis (TA) ay set ng mga method para i-assess ang sitwasyon sa market na ginagamit para tukuyin ang mga statistical pattern sa mga paggalaw ng mga presyo para sa cryptocurrencies. Ang pangunahing layunin ng technical analysis ay para matukoy ang mga puwedeng maging mga senaryo ng mga paggalaw ng presyo sa market sa short at medium term.

Bumabatay ang mga technical analyst sa maraming chart at trend, iba’t ibang support at resistance level, at behavior ng mga crypto price.

Mahalagang tandaan na madalas hindi napapansin ng mga novice analyst at trader ang pagkakaiba sa pagitan ng technical at fundamental analysis. Gayunpaman, mayroon ito, at dapat itong malaman ng isa para higit-kumulang na makapag-forecast tungkol sa shares at currencies sa mga market.

Technical analysis para sa mga crypto project: pangunahing pagkakaiba

Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng technical analysis para sa mga crypto project? Malamang,kailangang i-consider ang specifics ng segment na ito at i-apply ang mga ito sa analysis.

Kakaiba, nakakaapekto ang attitude tungo sa cryptocurrencies, sa maliit ng dose, ang general na approach sa Technical analysis. Isa itong method ng pag-analyze ng mga eksaktong bilang ng mga paggalaw sa presyo. Pare-pareho ang mga presyo sa lahat ng market, ganoon din ang mga pattern na lumabas sa kasaysayan. Kaya naman, napaka-universal ng analysis at nababagay para sa maraming market.

Sa parehong panahon, napaka-versatile ng TA. Mga chart at model ito, mga technical indicator at oscillator, at kombinasyon ng iba’t ibang technique at method. Data ito sa mga volume. Sa lahat ng pagkakaiba-iba nito, mayroon lang tatlong key tenets:

  1. palaging naka-embed na sa chart ang lahat ng factor na nakakaimpluwensya sa presyo, ito ang axiom ng market;
  2. palaging gumagalaw ang presyo sa mga trend, puwedeng ma-predict ang ang paggalaw nito kung babasahin mo nang tama ang chart;
  3. Cyclical ang history, umuulit ang lahat.

Difference between fundamental and technical analysis in trading

Mga Layunin ng Technical Analysis (TA)

May napakaimportanteng role ang paggamit ng technical analysis (TA). Puwedeng eksaktong ma-predict ng mga trader ang pagbabago sa presyo ng asset at mag-earn mula sa volatility ng exchange rate. Ginagawang stable at available ng professional mastery ng tool na ito ang pag-earn sa pag-trade.

Fundamental analysis vs. technical analysis

Ang pinagkaiba sa pagitan ng fundamental analysis at technical analysis, ano ito?

May ilang pagkakaiba ang fundamental vs. technical analysis. Unang tinitingnan ng mga analyst na nagsasagawa ng technical analysis ang mga chart, habang unang tinitingnan ng mga analyst na nagsasagawa ng fundamental analysis ang financial statements ng company.

Sinusubukang tukuyin ng fundamental analyst ang mga presyo ng mga company sa pamamagitan ng pag-check sa income statements, balance sheets, at reports na nagpapakita ng paggalaw ng finances. Batay sa mga figure na nabanggit sa itaas, gusto nyang tukuyin ang intrinsic price ng company sa pamamagitan ng pag-discount sa cost ng hinaharap ng mga financial flow.

Sa kabaliktaran, naniniwala ang technical analyst na counterproductive ang pagtingin sa financial statements ng company dahil kasama na ng crypto price ang lahat ng kinakailangang data. Sa halip na tingnan ang financial statements ng company, inilalagay ang focus sa pag- analyze ng cryptocurrency chart. At batay sa pag-aaral nito, ginagawa ang prediction kung saan puwedeng gumalaw ang firm.

Mga Trading Tool para sa iba’t ibang uri ng analysis

Gumagamit ang technical at fundamental analysis ng iba’t ibang trading tool. Gayunpaman, mayroon pareho..

Sa partikular, gaya ng nabanggit noong una, financial statements ng company ang pinakaimportanteng source ng impormasyon para sa fundamental analysis.Kasama rito ang:

  • Mga annual at quarterly accounting report;
  • Proofreading at mga public report ng mga shareholder at top executive ng company;
  • Balance sheet ng company;
  • Profit at loss statements para sa piling period;
  • Analysis at proofreading ng cash flow data ng company.
  • Puwedeng gamitin ang mga impormasyon mula sa mga report na binanggit sa itaas para i-calculate ang mga ratio at indicator na nagre-reflect ng performance ng mga company at bilis ng kanilang development. Sa cryptocurrency, idinadagdag ang kaunting technical na dokumento tulad ng tokenomics at mga IDO exit plan dito para i-evaluate ang hinaharap ng company.

Gumagamit ang technical analysis ng ibang tool, madalas, binubuo ito sa cabinet ng trader at pinapayagan kang basahin ang chart ng rate ng asset mula mismo sa cabinet ng user. Madalas, ginagamit ang mga price chart:

  • Candlesticks sa mga cryptocurrency rate;
  • Analysis sa volume ng liquidity sa stock market;
  • Aktibidad ng trader sa trading pair;
  • Mga line graph ng mga exchange rates.

Sa pangakalahatan,nag-o-operate din ang technical analysis na may malaking bilang ng tool para makagawa ng mga eksaktong prediction.

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng technical analysis at fundamental analysis ay mayroon silang magkaibang time horizon para sa mga paggalaw ng presyo.

Naiiba ang technical analysis mula sa fundamental analysis dahil mayroon silang magkaibang time horizon.

Time Horizon para sa magkakaibang uri ng financial analytics

Magkaiba ang technical analysis vs. fundamental analysis sa paraang may magkaiba silang time horizon. Gumagamit ng long-term approach ang fundamental analysis para mag-invest. Puwedeng gamitin ang impormasyon na na-analyze sa paglipas ng panahon sa ilang quarter hanggang taon. Nakadepende ang lahat sa lalim ng pananaliksik at mga layunin kung saan ito isinasagawa.

Bilang karagdagan, dumedepende ang mga gumagamit ng fundamental analysis sa kanilang mga assessment ng financial reports na ibinibigay ng bawat company kada quarter.

Bilang karagdagan, hindi nangyayari ang implementation ng mga lane at development sa mga company sa isang gabi lang. Maraming technological process at production ang nangangailangan ng ilang taon, at mararamdaman lang ang epekto ng promising innovation matapos ang mahabang preparasyon.

Ang time horizon ng technical analysis ang isa pang pagkakaiba sa pagitan ng magkaibang approach sa mga analytics approach. Mas maikili ang mga timeframe na ginagamit sa TA analytics. Mga linggo o araw ito, pero karaniwan ilang oras o kahit minuto. Dahil ito sa maneuverability ng mga TA target. Inaasahan ng mga trader ang mga mabilisang pag-trade at ginagawa ang mga ito kaagad mula doon, hindi sila gumugugol ng mahabang panahon sa pag-buy ng asset.

Pinag-aaralan ng mga analyst na nagsasagawa ng analysis na ito ang mga impormasyon na available sa mga interval ng oras sa itaas gamit ang set ng mga graphical indicator. Sa batayan na ito, ginagawa nila ang kanilang mga short-term prognostic model kung saan posibleng gumalaw ang value ng cryptocurrencies o mga asset ng company.

Pag-trade vs. Pag-invest: kung aling landas ang pipiliin para sa analytics

Madalas may magkaibang goal ang technical at fundamental analysis. Sinusubukang tukuyin ng technical analyst ang madaming short- at medium-term deal kung saan puwede nyang i-sell ang cryptocurrencies.

Sa kabilaktaran, nag-i-invest ang fundamental analyst sa long-term sa pinagbabatayan na negosyo ng cryptocurrencies.

Madaming kritisismo ng fundamental vs. technical analysis na lumalabas paminsan-minsan sa mga specialized na forum at publication na nakatuon sa stock, currency, at mga digital cryptocurrency market. Sa pangkalahatan, puwede itong ituring na lubos na makatwiran, bagaman ang labis na kritikal ang ilang publication.

Kung iko-consider natin ang epekto ng iba't ibang uri ng analysis sa mga goal ng investor ng cryptocurrency: Pag-trade vs. Pag-invest, ligtas sabihin na magkakaibang kalahok, ay dapat gumamit ng iba’t ibang approach sa analysis. Halimbawa, mas nararapat ang fundamental analysis para sa investor. Sa paraang ito, pinag-aaralan ang mga global parameter na nakakaimpluwensya sa paggalaw ng presyo ng asset, na interesting para sa investor. Para sa trader, importanteng pag-aralan ang chart ng asset sa kasalukuyan. Hindi nga mahalaga kung tataas, bababa o magfa-flat ang presyo. Mahalaga ang napapanahong pag-orient sa market at gawin ang ratio na ito. Angkop ang TA para sa layuning ito.

Mga Kritisismo ng Iba’t ibang uri ng Pag-forecast

Maraming kritiko ang nag-aakusa sa technical at fundamental analysis ng pananaliksik na kulang sa ebidensya at kamalian sa pag-calculate. Hindi na ito nakakagulat dahil nakadepende ang pagiging epektibo ng method, sa lahat ng bagay, sa pagiging epektibo ng taong eksperto o ng program, na kino-consider ang mga pressure factor. Bilang karagdagan, may bilang ng risk na imposibleng i-calculate: halimbawa, political, artificial, o natural.

Para mapabuti ang pagiging epektibo ng pananaliksik, gumamit ng mas maraming impormasyon at ia-assess ang iba’t ibang risk factor, hindi lang isa na mga highly specialized. Gumamit ng mas maraming kaalaman, up-to-date software, at pananaliksik.

Puwede kaya silang pagsabayin?

Technical vs. fundamental analysis, puwede kaya silang magsama? Syempre, sinusubukang gamitin ng mga investor ang mga maximum risk assessment tool na available sa kanila, kaya karaniwan na ang pagsasabay ng dalawang uri ito ng analysis.

Puwedeng suriin ng investor ang digital asset para sa short-term trading at i-analyze ang mga prospect nito. Samakatuwid, hindi tinatanggal ang sabay na paggamit. Kasabay nito, dapat suriin ng lahat ang kanilang mga pangangailangan sa impormasyon.

Mga advantage at disadvantage ng fundamental analysis

May mga advantage ang fundamental analysis, gayundin ang ilang disadvantage. Ang mga benepisyo ay ginagawang posible ng analysis na ito na matukoy nang higit pa o hindi gaanong eksakto kung ano ang tunay na presyo ng mga company. Napakaimportante na matukoy kung dapat bang maging long-term ang investment.

Gayundin, puwede nitong makabuluhang bawasan ang mga posibleng pagkukulang sa portfolio ng investment sa pamamagitan ng karampatang paglalaan ng mga asset. Ipinapakita ng statistic na ang mga desisyon na batay sa fundamental analysis ay mas madalas kaysa sa hindi tama.

Kasabay nito, mayroon itong ilang disadvantage. Nakasalalay ito sa mga katotohanang kinakailangang magkaroon ng unique na impormasyon para makagawa ng mga tamang forecast. Bilang tuntunin, hindi available sa public ang ganoong impormasyon, at iilang investor lang ang mayroon nito sa mga market. Sa pamamagitan nito, malamang na tumpak ang analysis.

Kailangan nitong magbigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang puwedeng mangyari sa market sa loob ng ilang araw o linggo. Bilang karagdagan, puwedeng makaimpluwensya ang mga factor na hindi na-consider sa anumang paraan sa ganitong uri ng analysis sa estado ng company at ganap na baguhin ang picture ng kung ano ang nangyayari. Ito ang hitsura ng mga pangunahing disadvantage ng ganitong uri ng analysis.

Technical analysis: ano ang mga advantage at disadvantage nito

Nagbibigay-daan ang pangunahing advantage ng ganitong uri ng analysis sa iyo na ma-assess ang shares nang mabilis, na nagbibigay-daan sa iyo para i-automate ang ilang proseso at makatipid ng oras para sa espesyalista.

Puwedeng gumawa ang trader ng isang investment strategy na may malinaw na risk at mga profit profile. Nakakatulong ang uring ito ng analysis na matukoy ang mga factor na hindi accessible sa fundamental analysis.

Pero may mga disadvantage ito. Ito ay subjective. Naiimpluwesyahan ang pag-evaluate ng karanasanan ng analyst at ng kanilang mga preference sa pagtatrabaho sa database na ito o iyon. Madalas may mga sitwasyon kung saan nakakakuha ang analyst ng mga nagkokontrahang resulta, kahit pa pareho ang input data.

May mataas na margin of error ang technical analysis sa mga pag-calculate, na puwedeng maging sanhi sa mga investor na magkaroon ng malaking pagkalugi sa panahon ng pag-trade sa mga market.

What is technical analysis in trading

How do traders in the Philippines use fundamental and technical analysis?

Tulad ng ibang financial market (stock market, currencies, precious metals, indices), cyclical ang cryptocurrency market at gumagalaw ayon sa mga tiyak na pattern. Gumagamit ang mga trader sa Pilipinas ng mga special feature para i-analyze at ma-predict ang mga market cycle, partikular na gamitin ang impormasyon sa matagumpay na pag-trade.

Nakadepende ang cyclically sa volatility ng asset at ng time frame. Sa anumang sitwasyon, kahit nasaan pang syudad o bansa ang trader (Baguio, Santiago, Davao, Lungsod ng Cebu, at iba pa), may pangangailangan para sa balanseng assessment sa sitwasyon ng market gamit ang fundamental at technical analysis.

Konklusyon

Bilang konklusyon, importante ang parehong uri ng analysis sa mga trader, investor, at iba pang kalahok sa market. Sa kabila ng katotohanan na magkaiba sila ng nature, sa kanilang tulong, posible na gumawa ng medyo tumpak na mga investment strategy at pumasok sa mga market sa pinakakanais-nais na sandali.

May sari-sarili silang supporter at opponent, na nagki-claim na isa lang o ang ibang analysis ang pinakamabuti at tama. Gayunpaman, ina-apply ng mga bihasang trader at investor ang mga advantage ng fundamental at technical analysis sa kanilang aktibidad at kaya nakakatanggap ng malaking profit.

Kapansin-pansin na may iba pang method para bumuo ng mga trading or investment strategy. Pero ang pagkakaiba sa pagitan ng technical at fundamental analysis at ang kanilang mga pangunahing tool na dapat malaman ng bawat kalahok ng exchange at crypto market kung gusto niyang kumita at mabawasan ang mga risk ng pagkalugi.

Puwedeng matuto ang bawat isa na mag-i-invest at magte-trade sa mga market sa kung ano ang fundamental analysis at technical analysis.

Rate article

Thank you for your rating, your vote has been counted

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania