Mga bridge sa pagitan ng mga blockchain: ano at paano gumagana ang mga ito?
Description
Ano ang blockchain bridge, para saan ito ginagamit, at ano ang mga feature ng crypto bridge? Alamin ang lahat mula sa aming artikulo.
Depinisyon ng blockchain bridge
Crypto bridge, ano nga ba ito? Ang crypto bridge ay isang naka-specialize na application para sa paggawa ng mga transaksyon sa pagitan ng iba’t ibang blockchain (dalawa o higit pa). Isa itong trendy na feature, lalo na sa pagbabago ng panloob na relasyon sa pagitan ng maraming investor ng cryptocurrency at paglabas ng mga bagong blockchain sa pagitan ng 2020 at 2022.
Ano ang mga benepisyon ng mga blockchain bridge?
Dynamic ang ecosystem ng cryptocurrency. Patuloy na umuusbong ang mga bagong kalahok, teknolohiya, at serbisyo. Samakatuwid, nananatili pa rin na isa sa mahahalagang katangian ang bilis ng paglipat ng cryptocurrency at pagiging available ng function na ito.
Subalit, madaling magkamali sa ganitong pagkakaiba-iba (dahil sa kawalan ng karanasan o kawalan ng pansin). At kapag nagpadala ka ng cryptocurrency mula sa isang blockchain patungo sa isa pa nang hindi nag-a-adapt nang maaga, magbu-burn up (habang-buhay nang maba-block) ang buong investment. Iyon ang dahilan kung bakit ang lumabas ang pangangailangan para sa naturang serbisyo ng chain bridge.
Isa pang dahilan: ang pag-scale ng blockchain, partikular ang Ethereum. Ang teknolohiya ng pangalawang pinakamalaking cryptocurrency sa mundo ay naharap sa hindi malulutas na mga isyu sa isang partikular na yugto ng panahon: bilis ng mga transaksyon, napakatataas na gas fee, at pag-scale. Karamihan sa mga produkto ng market ng cryptocurrency ay ginawa gamit ang mga smart contract ng Ethereum, at nakaapekto sa mga user ang mga internal na problema ng blockchain na ito. Kaya't naimbento ang isang orihinal na paraan sa paglutas ng suliranin: mga blockchain bridge.
Ano ang pangunahing functionality ng mga blockchain bridge?
Paano gumagana ang bridge: may dahilan kung bakit tinatawag na "bridge” ang serbisyong ito. Sa katunayan, isa itong elemento ng pag-uugnay para sa pag-transfer ng value sa pagitan ng mga blockchain na hindi tugma sa teknolohiya. Ang isang "pillar" Ang bridge ay nasa teritoryo ng isang network, at ang isa ay nasa teritoryo ng isa pa, na nagpapahintulot sa iyo na i-transfer ang napiling amount sa pagitan ng iba't ibang network. Halos kapareho ng isang tunay na tulay sa pagitan ng iba't ibang isla sa Manila Bay o mga isla ng munisipalidad ng Sasmuan sa Pilipinas. Isaalang-alang ang isang halimbawa sa blockchain.
Paano gamitin ang bridge? Nasa Pilipinas ka at gusto mong mag-transfer ng amount na 10 BTC mula sa Bitcoin network papunta sa ERC-20 standard na Ethereum network. Kung tutukuyin mo lang ang dalawang address ng nagpadala at tagatanggap at nagpadala ka ng 10 coins, ang buong halaga ay mabu-burn nang walang posibilidad na maibalik. Pero dahil sa bridge, madali itong gawin.
Para sa mga nagsisimula, ipinapadala sa crypto bridge ang 10 BTC at naka-block doon. Kasabay nito, ang Wrapped Token Bitcoin (WBTC) ng ERC-20 standard ay mini-mint para sa parehong amount ng 10 coins. Ang Wrapped Token ay isang digital copy ng orihinal na asset, na ginawa sa ibang blockchain at naka-peg sa value ng orihinal na coin. Naka-lock sa orihina nal blockchain ang na-issue na amount at nagpo-provide ng value ng Wrapped Token.
Puwede na ngayong gamitin ang 10 WBTC. Halimbawa, para sa passive earning sa mga serbisyo ng decentralized finance (DeFi) na ginawa sa Ethereum blockchain.
Kapag ibinalik ang asset sa orihinal na blockchain, naka-mirror ang sitwasyon: ang wrapped token ay ipapadala sa chain bridge, ang naka-block na amount ng orihinal na asset ay ire-release at ita-transfer sa user, at ibu-burn ang hindi secured na Wrapped Token. Ang kakayahang maglipat ng value sa pagitan ng mga blockchain ay hindi nakatali sa pisikal na pag-exchange at lokasyon ng investor. Puwede gamitin ng sinumang nakatira sa Pilipinas sa saanmang lokasyon (Cordillera Administrative Region, Visayas, Mindanao, o sa iba pa) ang open blockchain bridge service na ito.
Anong mga uri ng blockchain bridge ang nag-e-exist?
Dalawa ang uri ng mga blockchain bridge, depende sa antas ng awtonomiya ng teknolohiya:
- centralized;
- decentralized.
Sumasalamin ang mismong pangalan sa kakanyahan ng bridge: ang mga centralized ay pinamamahalaan at kinokontrol ng isang sentral na awtoridad, kadalasan ng exchane. Hindi napapailalam sa anumang awtoridad ng kontrol o regulasyon ang decentralized.
Magkakaiba rin ang mga bridge pagdating sa bilang ng mga yugto ng mga cross-chain na transaksyon at ang pangangailangan para sa kumpirmasyon ng panig ng pagpapadala. May lock-and-mint, burn-and-release, at burn-and-mint na mga uri ng mga blockchain bridge.
Ang unang uri ay ang lock-and-mint. Tampok ang isang third party rito, na isang intermediary na sabay na tumatanggap at nagba-block ng cryptocurrency at nag-e-evaluate at nag-i-issue ng mga token sa bagong blockchain.
Ang burn-and-release ay halos kapareho ng lock-and-mint, ang pinagkaiba lang nito ay puwedeng ibalik ang mga token sa orihinal na blockchain.
Sa burn-and-mint naman, puwedeng i-release ulit sa third network ang mga wrapped token nang hindi kailangang ibalik sa orihinal na blockchain. Binu-burn ang mga hindi secured na token sa ikalawang network.
Ano ang mga benepisyo ng mga blockchain bridge para sa mga user?
Pinagaan ng mga blockchain bridge ang cryptocurrency ecosystem sa dahil naging mas maliksi at operational ito. May ilang malilinaw na benepisyo na inaalok ng mga bridge sa mga user nito:
- Nabawasan ang mga cost sa transaksyon at naging mas mabilis ang pagpapadala ng funds.
Sa ilang yugto ng panahon, ang malalaking blockchain tulad ng Ethereum ay nakaranas ng mga problemang teknolohikal sa pag-scale, bilis ng transaksyon, at lalo na sa cost ng pagpapadala ng funds. Ang fee para sa isang simpleng transaksyon ay maaaring kasingtaas ng $300 na naitala noong mga panahon ‘yun. Nabawasan ng mga Tier 2 blockchain bridge tulad ng Optimism o Arbitrum ang cost ng transaksyon at naging mas mababa sa $1.
- Iba't ibang gamit para sa mga investment sa cryptocurrency.
Halimbawa, napataas ng mga bridge ang bilang ng mga opsyon para sa paggamit ng mga crypto investment—parehong Bitcoin. Para sa unang cryptocurrency, hindi ganoon karami ang opsyon noon para sa karagdagang earnings. Dahil sa Wrapped Bitcoin, puwede nang gamitin ang BTC bilang collateral para sa credit, sa crypto deposits, at iba pa.
,
- Mga karagdagang incentive.
Kadalasan, nagbibigay ng karagdagang incentive ang mga bridge developer o destination network sa kanilang mga user sa pamamagitan ng airdrop. Isa pa itong opsyon para kumita ng pera.
- Pagka-diverse sa ecosystem ng cryptocurrency.
Hindi lamang natulas ng mga chain bridge ang mga problema sa pag-scale ng blockchain, pero na-diversify rin ng mga ito ang mga opsyon sa cryptocurrency sa pangkalahatan. Madali nang i-move ng mga investor ang funds nila sa pagitan ng iba-ibang network, kaya nadaragdagan ang income nila.
Ano ang mga risk ng mga blockchain bridge? Ligtas bang gamitin ang mga ito?
Sa kabila ng kaugnayan ng ganitong uri ng serbisyo at ang maraming mga kalamangan, mayroong ding negatibong aspeto sa mga blockchain bridge. Pangunahing may kinalaman ito sa seguridad ng pag-transfer at pag-store ng funds, at sa patas na pamamahagi ng mga karapatan sa mga kalahok. Kasama sa mga pangunahing risk ang mga sumusunod:
- 51% control attack.
Isa itong karaniwang risk ng hindi planadong pag-centralize at pag-control ng serbisyo sa pamamagitan ng konsentrasyon ng karamihan sa mga validation node (51%) sa mga kamay ng iisang user. Sa sitwasyong ito, ang controlling share ng mga validator ay puwedeng mag-cancel o mag-replace ng anumang transaksyong pipiliin nila, na nakakaapekto sa pag-provision ng mga wrapped token.
- Planadong pag-atake sa bridge smart contract.
Hindi man inaasahan, maraming problema sa seguridad ang nagmumula lamang sa hindi natukoy na mga kahinaan sa smart contract. Ginagamit ng umaatake ang mga bug ng teknolohiya para mag-withdraw ng funds papunta sa kanyang wallet.
- Mga problema sa blockchain.
Isang hindi gaanong karaniwan ngunit may kaugnayan pa ring risk ng pag-atake sa mismong network ng blockchain. Sa ganitong sitwasyon, maaaring mabawasan ang bilis ng pag-unfreeze o pag-freez ng funds, at maaaring ma-suspend ang mga transaksyon sa blockchain. Halimbawa, madaling itong mangyari sa Solana.
Ano ang mga prospect para sa mga blockchain bridge sa lalong madaling panahon at sa pangmatagalan?
Sikat pa rin naman hanggang ngayon ang mga blockchain bridge. Maraming tao ang kumportable sa paggamit ng mga blockchain bridge dahil nagbibigay-daan ito para mapataas ang kanilang earnings mula sa mga crypto investment nila. Pero sa ngayon, wala talagang malinaw na katiyakan para sa mga bridge sa hinaharap. Marahil sa mga darating na taon, gagawa ang mga developer ng blockchain ng iisang adaptive standard para sa mga network nila, na makakatulong sa pagtanggal ng mga karagdagang serbisyo. Bilang karagdagan, nilulutas ng mga nangungunang blockchain ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng mga nakaplanong update, at dahil dito, mababawasan ang pangangailangan para sa blockchain bridging.
Sa ngayon, ligtas na sabihin na patuloy pa rin ang lahat ng mga pag-develop para mapabuti ang blockchain bilang isang teknolohiya, at tiyak na hindi pa mangyayari sa mga darating na taon ang pag-abandona sa mga bridge. Marahil kapag nangyari na ‘yun, ang mga pantulong na serbisyo ng ay makakahanap ng ibang bokasyon para sa kanilang trabaho.
Anong dapat hahanapin kapag pumipili ng bridge?
Saan nakadepende ang pagpili ng chain bridge? Una: dapat kang magpasya kung alin sa mga blockchain gagawin ang transaksyon. May mga convenient na blockchain bridge para sa dalawang blockchain o mayroon ding multichain na mga solusyon sa pagitan ng ilang network. Halimbawa, ang pinakamahuhusay na crypto bridge ay ang Multichain Bridge, Synapse, at Portal Token Bridge para sa maraming network. Avalanche, Tezos Wrap - para sa convenient na pag-turnover sa pagitan ng dalawang network.
Ikalawa: i-analyze ang suporta ng mga pangunahing market player. Para sa bridge sa crypto halimbawa noong lumabas ang Arbitrum bridge, sinuportahan ito ng pinakamahahalagang serbisyo ng DeFi na binuo sa Ethereum (Uniswap, SushiSwap, Curve).
Ikatlo: bigyang-pansin ang mga exchange bridge na ino-offer ng malalaking exchange na player ng mga serbisyo sa pag-trade. Isa ang Binance Bridge sa mga halimbawa ng sikat na bridge.
Konklusyon
Convenient at kilalang serbisyo ang mga cryptocurrency bridge. Nakamit nila ang kanilang misyon - ang pagsuporta sa bilis sa pagpapatakbo at pag-turnover ng mga cryptocurrency. Sa pamamagitan ng mga bridge, maraming serbisyo ang naging mas madali at mas malinaw, at tumaas ang earnings ng mga investor. Ngayon, ang cryptocurrency bridge ay isang napakaimportanteng elemento ng buong ecosystem, na available sa bawat investor na interesadong kumita ng pera.