Crypto wallet: paano pumili, mga tip, at ano nga ba ito
Description
Cryptocurrency wallet: I-explore ang mga nangungunang wallet para sa pag-store ng mga digital asset. Alamin kung ano nga ba ang mga crypto wallet at kung anong mga pamantayan para sa pagpili ng mga ito.
Bago simulang mag-invest o, sa pangkalahatan, pag-aralan ang tungkol sa blockchain, ang bawat kalahok mula sa Pilipinas sa crypto market ay kailangang magpa-register, dahil kung hindi ito gagawin, hindi rin posible ang pagkakaroon ng mga digital asset. Syempre, crypto wallet ang pinag-uusapan natin dito. Ano nga ba ang crypto wallet? Halos kapareho lang din naman ito ng ordinaryong wallet. Iyon nga lang, ang pangunahing kaibahan nito ay puwede mo itong gamitin para mag-store, mag-move at mag-exchange ng mga cryptocurrency at token sa blockchain network. Kung hindi mo pa rin naiintindihan ang mga posibilidad ng crypto wallet o gusto mo lang ulitin ang teoretikal na bahagi, pakibasa ang gabay sa crypto wallet ng EXEX: Paano pumili ng crypto wallet?
Ano ang crypto wallet ng isang crypto investor?
Ano ang crypto wallet? Nagbibigay ito ng kakayahang mag-store ng mga digital asset. Pero hindi ito pisikal na serbisyo ng pag-store. Isa itong espesyal na software na nagtatalaga sa isang partikular na user ng amount ng value na kinakatawan bilang produkto ng blockchain: ang cryptocurrency.
Pinamamahalaan ito ng gamit ang hanay ng mga natatanging password - mga key, private at public. Ang public key ay isang address na makikita ng lahat ng kalahok sa blockchain at itinalaga sa user. Binubuo ito ng kumbinasyon ng mga letra at numero, at maaaring may 26 hanggang 34 na character bawat address.
A private key ay ang iyong password, na itinatakda sa panahon ng pag-register at kinakailangan kapag nagla-log in sa wallet mo.
Kailangan mo ring mag-memorize ng Seed phrase para sa iyong crypto wallet. Isa itong random na hanay ng mga salita na ginagawa sa pag-register. Mayroon itong 12 hanggang 24 na salita. Isa itong napakahalagang impormasyon, dapat i-memorize at isulat ang Seed phrase, gaya ng private key. Ang pagkawala ng data na ito ay maaaring magresulta sa pagkawala ng lahat ng fund sa cryptocurrency.
Sa ngayon, may napakarami nang uri ng mga crypto-purse na available sa mga Filipino, at tiyak na makakahanap ang bawat user ng angkop, convenient, at ligtas na opsyon para sa pag-store ng sarili nilang investment.
Kailan lumabas ang unang crypto wallet?
Lumabas ang unang cryptocurrency wallet kasabay ng mga unang Bitcoin block noong 2009. Kailangan i-store ang unang currency sa isang lugar, at naroon ang Bitcoin Core sa mga panahong iyon.
Sa katunayan, hindi lang ito isang storage place. Itoa ay ang lahat ng block ng Bitcoin blockchain kasama ang lahat ng history ng transaksyon na dinownload mo sa iyong computer noong ininstall mo ito. Mahigit 382 gigabytes na ngayon ang weight ng BTC blockchain. Malaki iyon kung magse-set up ka ng wallet para madaling gamitin. Iyon nga lang, kasabay ng pag-instal nito, magiging isa ka sa mga node.
Anong kailangan kong malaman kapag nagre-register ako para sa crypto wallet?
Paano mina-manage ang crypto wallet? Kinokontrol ito ng hanay ng mga natatanging password na ginawa ng kliyente sa panahon ng pag-register. Tinatawag ding mga crypto key ang mga ito. May dalawang uri ng key: private at public.
Ang isang open o public key ay isang address na itinalaga sa user na nakikita ng lahat ng kalahok sa blockchain. Binubuo ito ng kumbinasyon ng mga letra at numero at maaaring magkaroon ng 26 hanggang 34 na character bawat address.
Ganito ang halimbawa ng mga address na ito: 0x852ab3906021AC6841a688a8Ab8dc945108bAc68 0x991a4b5824B748900b10C2BFcd3A45484a37e58d
A private key ay ang iyong password, na itinatakda sa panahon ng pag-register at kinakailangan kapag nagla-log in sa wallet mo. Ito ay napakahalagang data at dapat tandaan! Ang private key ay walang pamantayan sa kahabaan, kaya lahat ay pumipili ng kanilang sariling alphanumeric set.
Aisa pa sa pinakamahalagang bahagi para makagawa ng crypto wallet ay ang Seed phase. Kailangan mo ring i-memorize ang random na hanay ng mga salitang ito na na-create habang nagre-registe. Binubuo ito ng 12-24 na salita.
Mahalagang tip: Ang Seed phrase ay dapat i-memorize at isulat, at pati na rin ang private key. Ang pagkawala ng data na ito ay maaaring magresulta sa pagkawala ng lahat ng fund sa cryptocurrency!
Marami na ngayong uri ng mga cryptocurrency wallet, at makakahanap ang bawat user ng angkop, convenient, at ligtas na opsyon para i-store ang kanyang investment.
Mga Exchange vs. Mga Wallet: saan ang may mas mahusay na functionality?
Ang isa sa mga pangunahing gawain ng isang investor sa mga cryptocurrency ay ang paggamit ng serbisyo ng isang exchange. Kailangan ang mga exchange para mabilis na mag-transfer ng liquidity sa pagitan ng iba’t ibang asset at mapataas ang earnings sa crypto investment ng isang user. Kaya naman, karaniwan na rin ang mga serbisyo ng mga exchange. Puwede lang gamitin ng mga user mula sa Pilipinas ang serbisyo ng exchange na ito para mag-transfer ng funds sa isa pang cryptocurrency o fiat. Syempre naman, convenient itong gawin sa crypto exchanger. Pero may ganito ring feature ang mga crypto wallet. Sa sitwasyong ito, ang crypto wallet ay hindi limitado sa isang functionality ng exchange lang. Available ang iba't ibang karagdagang serbisyo, na naiiba sa serbisyo at patakaran ng mga developing company. Puwede itong maging passive earning, pag-switch sa pagitan ng mga blockchain, pag-import ng isa pang account, pag-connect ng hardware wallet, at iba pang karagdagang setting.
Ligtas bang gamitin ang crypto wallet: mga pangunahing panuntunan
Dahil ang mga pamumuhunan sa crypto ay kadalasang bumubuo ng malaking bahagi ng portfolio ng isang investor o maaari pa ngang ang buong portfolio niya mismo, ang seguridad ng wallet ay nagiging pangunahing priyoridad. Mayroong ilang malinaw na mga panuntunan para sa pagpapanatiling ligtas ng mga cryptocurrency.
Una, ang seguridad ng personal na impormasyon ng wallet. Nalalapat ito sa private key at seed phrase. Itago sa ligtas na lugar ang data na ito, mas mabuti sa maisusulat ito sa isang notebook, metal o kahoy bilang halimbaw. Dagdag pa rito, gumawa ng ilang kopya ng sarili mong password. Pinakamainam na huwag i-store ang naturang data sa cloud storage o mga screenshot sa iyong smartphone dahil maraming program at virus ang maaaring sumubaybay sa impormasyong ito.
Ikalawa, may mga patakaran sa “digital hygiene” na nalalapat din sa pag-store ng cryptocurrency.
Hindi ka namin pinapayuhan na gumamit ng mga pampublikong WiFi network kapag kumokonekta sa iyong mga crypto wallet o exchange account. Maaari itong humantong sa pagharang ng data at pagnanakaw ng mga digital asset. Gumamit ng home network o protektahan ang iyong koneksyon gamit ang isang VPN.
Gumamit ng isa lang na email address para mag-register ng mga crypto wallet at account. Gawin mo itong espesyal na address na nakatalaga para sa mga crypto registration lang. Kapag isa kang user sa Pilipinas, gumamit ka ng ibang email para mga account sa mga pang-araw-araw na serbisyo tulad pagbabangko, o mga bayad na subscription. Kapag ginawa mo, mapoproktektahan mo ang iyong sarili sa pag-leak ng data sa darknet at ang maling paggamit nito.
Mainam din naman kapag nag-install ka ng app na 2FA Autentificator bilang ekstrang hakbang para sa pag-confirm ng pag-log in mo sa iyong wallet account.
Huwag ibahagi ang iyong mga detalye sa sinuman. Ito ang ginintuang tuntunin (“golden rule”) ng seguridad para sa mga crypto wallet. Walang sinuman ang maaaring magtanong tungkol sa iyong private key o seed phrase para sa anumang transaksyon. Ito ay ganap na kumpidensyal na impormasyon na hindi dapat itanong para sa mga transaksyon, koneksyon sa mga serbisyo ng crypto, at higit pa.
Iwasan ang mga clone site at phishing link. Tunay ito, dapat alam ng lahat. Isa pa, kapag umiwas ka sa mga ito, magiging mas secure ang crypto wallet mo. Napakaraming investor ang minamaliit ang banta na ito, pero sa kasamaang-palad, maraming wallet ang naha-hack nang dahil mismo sa pagbabalewala sa kapabayaang ito sa seguridad.
Dalawang pangunahing uri ng mga cryptocurrency wallet
Sa pangkalahatan, ang lahat ng cryptocurrency wallet ay puwedeng hatiin sa dalawang uri ng crypto walle: cold storage at hot storage. Ano ang pagkakaiba ng mga ito? Ang pangunahing pagkakaiba ay konektado sa internet ang mga hot wallet, habang autonomous naman ang mga cold wallet at walang constant na access sa World Wide Web. At ang klase ng wallet na ito ay ang wallet para sa crypto.
Mga cold wallet: konsepto at kakanyahan
Ang mga cold wallet ay mga wallet para sa pag-store ng mga digital asset na may physical shell. Hindi maha-hack ang mga ito dahil wala permanenteng koneksyon sa Internet ang mga ito. Pinakaangkop ang mga ito para sa mga pangmatagalang investor na hindi kailangan na palaging mag-trade at i-access ang mga asset nila. Dalawa ang uri ng mga cold wallet: hardware wallet at paper wallet.
Ang mga hardware digital crypto wallet ay espesyal at maliit na physical media na may software para sa pag-store ng cryptocurrency.
Konektado lang ito sa PC o smartphone kung kailangan mong magsagawa ng anumang aksyon na kailangan ng crypto investment. Parang flash card ang hitsura nito. Ang mga pinakasikat na taga-manufacturer ng mga cold-type crypto wallet ay ang Ledger at Trezor.
Ang mga cold storage paper wallet ay ginagawa sa tulong ng mga naka-specialize na site na nagje-generate ng isang asset access code. Kailangang i-store ang code na ito sa papel o sa iba pang anyo.
Mga hot wallet: depinisyon at paggamit
Ang mga hot crypto wallet ay lahat ng application, serbisyo, at extension sa browser na nangangailangan ng access sa Internet para gumana. Ginagamit ito ng mga trader, at pati na rin ng mga aktibong investor dahil nagbibigay-daan ito para sa mabilis na pag-transfer at paggamit ng cryptocurrency sa wallet.
May maraming klase ng mga hot storage wallet. Kabilang na rito ang mga extension sa browser, app sa smartphone, at crypto exchange account, na tawag din sa ganitong uri ng wallet.
Dalawa ang uri ng hot wallet: custodial at non-custodial.
Ano ang custodial crypto wallet?
Custodial wallet. Isang place para mag-store ng cryptocurrency, kung saan kini-keep ng isang custodian (sentralisadong awtoridad) ang mga private at non-private key. Ang lahat ng cryptocurrency exchange ay mga custodian at nagpo-provide ng serbisyo ng hot wallet para sa kanilang mga user. Magkaka-access ang user sa funds sa pamamagitan ng username at password.
Para saan nga ba ang mga custodian wallet?
Una sa lahat, bilis ang pangunahing punto rito. Nakadepende sa bilis ang maliliit at malalaking trader kapag gumagawa ng mga desisyon. Hindi available sa sitwasyong ito ang paggamit ng cold wallet.
Ikalawa, ang pagiging available ng iba-ibang serbisyo na inaalok ng mga cryptocurrency exchange. Kasama sa mga ito ang pag-lend, delivery ng liquidity, mga tool sa market analytics, mga offering sa financial leverage, at marami pang ibang serbisyo.
Ang pangunahing problema sa custodial wallet ay ang sentralisasyon ng paggawa ng desisyon at seguridad. Dahil ang lahat ng pag-access sa mga wallet ay nasa kamay ng isang may-ari, ang custodian, pinatataas nito ang pananagutan sa lahat ng user. Kung may mangyarng mapanlinlang na pag-atake sa serbisyo, hindi lamang mga exchange fund ang mawawala kundi pati na rin ang lahat ng user.
Mga advantage ng custodial wallet:
-
Mahusay para sa trading;
-
Nag-aalok ang mga exchange ng passive income sa pamamagitan ng interest;
-
Puwedeng mag-buy at sell ng mga valuable na asset nang madali;
-
Ina-allow ng mga exchange ang pag-restore ng access sa wallet sa pamamagitan ng pag-verify ng account.
Mga disadvantage ng custodial wallet:
-
Mga banta sa seguridad at pagnanakaw ng funds;
-
Binawasan ng karagdagang pahintulot ang privacy;
-
Iba pang mga fee sa anyo ng komisyon;
-
Risk ng mga scam sa platform.
Ano naman ang non-custodial crypto wallet?
Ang mga non-custodial crypto wallet ay mga software wallet na ini-install sa mga smartphone, personal computer, at iba pa. Ang pangunahing advantage ay ang pagiging available ng mga serbisyo ng crypto industry na hindi nakadepende sa kinaroroonan. Halimbawa, puwede kang mag-install ng crypto wallet sa smartphone mo, at mag-trade anumang oras na convenient para sa’yo.
Mga advantage ng software wallet:
- Mabibilis na transaksyon;
- Abot-kayang format para sa pag-install at paggamit.
Mga disadvantage ng software wallet:
- Pag-bind sa device (smartphone, PC);
- Mababang antas ng seguridad at mataas na antas ng pagiging vulnerable.
Ano ang iba pang uri ng mga cryptocurrency wallet?
Mayroon ding tinatawag na mga monocurrency at multicurrency wallet. Malinaw ang pagkakaiba ayon sa pangalan pa lang: ang monocurrency wallet ay dinisenyo para sa isang asset lang (hal. Bitcoin), habang puwede namang mag-store ng maraming token at cryptocurrency ang multicurrency wallet.
Paano Gumagana ang Crypto Wallet
Paano gamitin ang crypto wallet? Unang importanteng malaman, ang mga crypto wallet ay ang attachment sa blockchain ng indibidwal na user. Ipinapakita ang bawat public key sa network kasama ang pag-publish ng pangkalahatang data: balance, mga transaksyon, mga oras, at iba pa.
Ang bawat pampublikong key ay ipinapakita sa network kasama ang paglalathala ng pangkalahatang data: balanse, mga transaksyon, tiyempo, at iba pa. Mayroong mga espesyal na tagasubaybay ng transaksyon na naglalathala ng pampublikong ledger ng mga transaksyon sa blockchain. Halimbawa, ang mga serbisyo tulad ng Etherscan, BSCScan, TronScan, at iba pa. Alam ang iyong pampublikong susi, makikita mo ang mga teknikal na detalye ng mga transaksyong naganap.
Gayundin, maraming kilalang personalidad at palitan ang nagbubunyag ng kanilang mga address upang ipakita ang pagiging bukas ng balanse at ang katapatan ng mga transaksyon. Halimbawa, kilala ang pampublikong wallet ng Ethereum creator na si Vitalik Buterin: bilang 0xAb5801a7D398351b8bE11C439e05C5B3259aeC9B.
Mula sa screenshot, mauunawaan mo ang balanse, ang halaga ng balanse, ang mga transaksyong isinagawa, at iba pa.
Paano mag-create ng cryptocurrency wallet?
Ang unang-una na dapat gawin ng user: piliin ang uri ng cryptocurrency wallet na makakatugon sa mga pangangailan niya bilang user gaya ng pagiging convenient, mga layunin sa pag-invest, at iba pa. Pagkatapos, ang personal na impormasyon ay dapat idagdag sa bagong account para makakuha ng identification sa blockchain. Kapag nakapag-generate na ng public key at pumasa sa proseso ng pag-register, puwede nang i-access ng user ang crypto account niya.
Paano Pumili ng Tamang Wallet
Ano ba talaga ang pinakamagandang crypto wallet? Malinaw naman na walang unibersal na sagot sa tanong na ito. Indibidwal na sinusuri ng bawat user ang antas ng crypto wallet at ang functionality na sumasaklaw sa kanilang mga pangangailangan. Gaya na lang ng address ng tahanan mo sa Pilipinas, kahit saan sa buong bansa. Marahil, para sa ilang tao, hardware solution lang ang naaangkop - para sa mga pangmatagalang investor na nag-o-operate sa haba ng panahon na tatlong taon at higit pa. Nariyan din naman ang cold wallet na isang lohikal na solusyon na nagbibigay ng tamang antas ng seguridad.
Kasabay nito, para sa mabilis na trading, dapat kang maghanap ng convenient na custodial service na nag-aalok ng pagiging mobile at ng bilis sa paggamit ng mga crypto investment.
Sa madaling salita, narito ang mga pangunahing tip bilang pangkalahatang-ideya sa Paano Pumili ng Tamang Wallet:
I-analyze ang iyong mga risk sa seguridad, gaano kalaki ang digital hygiene na posible sa online?
Dapat suriin ng isang user ang mga crypto wallet sa pamamagitan ng parameter na ito. Kung hindi posible ang paggamit ng cold wallet, kailangan mong bigyang-pansin ang rating ng wallet, mga review ng user, kung mayroon bang aktibong chat para sa suporta, mga isinagawang pag-audi, at iba pa.
Huwag ilagay sa iisang basket ang funds mo.
Kasama sa pag-diversify ng risk ang pagpili ng user ng ilang vault para sa cryptocurrency, na magdi-divide sa portfolio sa mga share. Kapag nagkaroon man ng emergency sa isang wallet, mase-save pa rin ang ilang funds.
Subukan munang gumawa ng transaksyon.
Bago ito gamitin, i-test mo muna ang wallet sa pamamagitan ng paggawa ng pansubok na transaksyon. Gaano ito kakumportable para sa’yo? Gaano kabilis na-credit ang pera? Gaano katagal bago na-confirm ang transaksyon sa pag-withdraw? Angkop ba sa’yo ang mga iminungkahing fiat gateway? Masasagot lang ang mga ito sa pamamagitan ng pag-test.
Tiningnan namin ang alok ng iba't ibang uri ng crypto wallet at gumawa kami ng personal na rating: ano ang pinakamahusay na crypto wallet? Aling provider ng crypto wallet ang pinakamagaling?
Konklusyon
Dahil sa pag-analyze ng mga crypto wallet, mula sa panig ng karaniwang tinatanggap na mga pamantayan at mula sa panig ng personal na kagustuhan, makakapili nang wasto ang isang user sa Pilipinas. Hindi lamang ang kaligtasan ng funds ng isang account kundi pati na rin ang buong reputasyon ng industriya, nakasalalay rito ang mukha at garantiya ng seguridad ng lahat ng digital na asset.