0% proseso ng pagbasa
/ Paano gumawa ng crypto wallet: guide sa pagpili at pag-install ng wallet

Paano gumawa ng crypto wallet: guide sa pagpili at pag-install ng wallet

Na-publish 28 December 2022
Oras ng pagbasa 5 Mga Minuto

Description

Ano ang blockchain wallet? Mga pangunahing uri: mga software wallet at hardware wallet para sa cryptocurrency. Paano gumawa at protektahan ang crypto wallet mo?

Kailangang magdesisyon ang bawat investor sa financial activity niya ng isang importanteng katanungan: saan ii-store ang cryptocurrency? Hindi katulad ng standard na fiat money, hindi puwedeng i-store ang cryptocurrency sa wallet o bastang i-delegate sa banko. Ito lang ang uri ng asset na 100% na nasa balikat ng mga investor ang responsibilidad para sa pag-manage. Kaya dapat maunawaan ng lahat: kung ano ang mga crypto wallet at kung paano gamitin ang mga serbisyong ito nang ligtas. Pag-usapan natin iyan ngayon.

Ano ang mga crypto wallet para sa user?

Una, kinakailangan na tukuyin ang teorya para maintindihan ang mismong kahulugan ng crypto wallet. Ano ang crypto wallet? Ito ay isang software o pinagsamang software-physical na solusyon para sa pag-store ng cryptocurrency ng investor, paggawa ng mga transaksyon gamit ang crypto wallet, at pag-secure ng mga pribadong asset.

Kinikilala ng pribadong crypto blockchain wallet ang user sa blockchain sa pamamagitan ng pag-a-assign ng personal na address code bilang set ng mga simbolo, numero, at titik. Halimbawa,

0x852aa4906021AC6140b688a4Ab8dc945708bAc69.

Naka-publish ang address ng personal na crypto wallet sa public domain sa mga scanner ng blockchain at nagbibigay-daan sa iyong i-track ang lahat ng mga transaksyong ginawa gamit ang wallet na ito. Puwede mong tingnan ang report ng transaksyon, status, mga fee, at marami pang ibang impormasyong magagamit para sa analytics. Gayunpaman, hindi matutukoy ng mga third-party na user ang crypto wallet at ang may-ari nito, at ginagawa nitong ligtas ang mga user.

Ang address ng personal na crypto wallet ay tinatawag ding public key – impormasyong alam ng lahat ng mga kalahok sa system.

What is key phrase for crypto wallet?

Mga uri ng crypto wallet: anong pagpipilian ang gagawin

Nakasalalay ang mga uri ng crypto wallet sa maraming indibidwal na kadahilanan ng investor. Depende sa nakaplanong aktibidad, diskarte sa pamumuhunan, at pagkakaroon ng mga cryptocurrency sa bansa, puwedeng pumili ang investor sa pagitan ng mga uri ng cryptocurrency wallet para sa cold at hot na storage. Ano’ng mga uri ng wallet ang puwede mong gamitin:

Software wallet

Pinakamagandang lugar ang software wallet para mag-store ng crypto para sa aktibong pag-invest ng crypto. Mga espesyal itong solusyon sa software ng hot type, na ipinakita bilang mga application para sa mga smartphone at PC o bilang mga extension para sa browser. Depende sa uri ng paggamit, nahahati ang mga software na crypto wallet sa desktop (para sa pag-install sa PC o laptop), web wallet (para sa pag-access sa pamamagitan ng browser device), at mobile (para sa pag-access mula sa smartphone).

Laging naka-connect ang software na online crypto wallet sa Internet. Madaling makagawa ang user ng mga internal operation: pag-transfer ng crypto sa wallet, pag-withdraw, mag-send ng transaksyon sa ibang user, at exchange. Isa ito sa mga mga pangunahing advantage ng uring ito ng wallet. Isa ring plus ang multifunctionality: madalas, nag-aalok ang mga software solution ng madaming token at cryptocurrency sa ibang blockchain network, makipag-exchange o makipag-swap ng mga function, at NFT storage.

Marami pang ibang halimbawa, pero ang pinakamagandang software wallet para sa user ay:

  • Trust Wallet;
  • Exodus;
  • Bitcoin Core;
  • Wassabi;
  • Guarda;
  • Samourai Wallet at iba pa.

Hardware wallet

Ang crypto hardware wallet o tinatawag ding pisikal na crypto wallet. Ginagamit ang pisikal na cryptocurrency wallet na ito sa pag-store ng mga cryptocurrency offline nang hindi kailangang mag-connect sa Internet. Para itong mga normal na USB drive. Ito ang pinaka-secure na crypto wallet para sa investor. Nag-aalok ang hardware wallet ng mataas na level ng proteksyon ng funds dahil sa kawalan ng data para sa mga hacker.

Pinipili ang mga hardware wallet para sa long-term storage ng mga asset na hindi nangangailangan ng palagiang exchange at transaksyon. Madalas na nagsu-supply ang mga kilalang manufacturer sa mga hardware wallet gaya ng:

  • Trezor;
  • Ledger Nano;
  • SafePal;
  • Cool wallet.

Puwede ka ring mag-program ng hardware wallet nang sarili mo.

Ang pinakahalatang advantage ng ganoong mga wallet ay ang security. Ang mga disadvantage ay ang mga dagdag na gastos sa pagbili ng hardware at ang kawalan ng transaction mobility.

What is hardware crypto wallet?

Mga Self-custody wallet o(non-custodial) wallet

Nangangailangan ang pag-develop ng DeFi ng secure at affordable na cryptocurrency storage solution. Nagbibigay ang decentralized na financing ng halimbawa ng self-sufficient, autonomous na pag-manage ng mga finance ng isa. Na-duplicate ang trend na ito sa field ng cryptocurrency storage at kinakatawan ng mga Self-custody wallet o non-custodial wallet.

Pinapanatili ng non-custodial cryptocurrency wallet (Self-custody wallet) ang buong kontrol ng funds nito para sa gumawa ng address dahil hindi nito naipasa ang kanilang mga pribadong crypto key sa sinuman. Hindi puwedeng i-freeze o i-manage ng ganoong application funds ng user pero hindi responsable para sa kanilang safety. Na-download ang mga self-custody wallet bilang software application sa PC, smartphone o browser at madaling i-manage. Hindi kagaya ng mga exchange wallet, hindi mo na kailangang dumaan sa KYC identity verification para simulang gamitin ito.

Ang pag-manage ng security ang malaking plus ng non-custody na pribadong crypto wallet. Ang user lang ang nagmamay-ari ng pribadong crypto key na na-uugnay sa pampublikong key o address ng user. Hindi kayang mag-block ng funds ang sentral na pag-manage ng authority ng wallet sa self-custody wallet.

Mga halimbawa ng mga self-custody wallet ay:

  • Metamask;
  • Argent;
  • Binance Chain Wallet ay iba pa.

Bilang halimbawa: ang opposite, ang custodial crypto account ay client wallet sa mga centralized na exchange platform. May naka-assign sa bawat exchange client na wallet address at ng account na nagpapakita ng balance ng user. Gayunpaman, sa pangkalahatan, naka-store ang lahat ng cryptocurrency sa ilang address ng mga crypto exchange at mina-manage ng central authority.

Hardware vs software wallet: mga advantage at disadvantage ng mga uring ito ng mga wallet

Bahala ang user sa pagpipilian sa pagitan ng hardware at software wallet. Nakadepende lahat na ito sa kung ano ang mga goal ng investor: aktibong pag-trade, long-term na investment, cold storage availability, at iba pa. May sari-sariling mga advantage at disadvantage ang bawat uri ng wallet .

Mga advantage ng mga hardware wallet

  • Naka-isolate na storage ng mga pribadong key;
  • Security at imposible ang mga pag-hack habang offline ang get wallet;
  • Walang posibilidad ng pag-block ng funds ng centralized authority;
  • Mataas na level ng security (PIN code, program password, seed phrase);
  • Ang mataas na pisikal na katibayan ng wallet (resistance sa mekanikal na pagkasira), hindi katulad ng paper keeper, halimbawa.

Mga Con:

  • Ang mataas na level ng responsibilidad para sa pag-save ng funds, pagkawala ng device o puwedeng maging fatal ang seed-phrase;
  • Ang pangangailangan para sa karagdagang mga gastos sa maintenance (pagbili ng wallet mismo, pagbili at maintenance ng PC na may access sa Internet).

Ma advantage ng software wallet

  • Dali ng pag-operate, intuitive na interface, pag-duplicate ng format ng online banking;
  • Bilis ng pag-manage, instant na pag-access sa funds, at account ng user.

Mga Con:

  • Higit na mababa ang security level kaysa sa mga hardware wallet;
  • Ang pag-bind sa device kung saan naka-install ang wallet.

Paano gumawa ng crypto wallet para sa sarili mo?

Paano gumawa ng crypto wallet? Madali lang ang paggawa ng crypto wallet. Nai-aapply ang principle kahit saan: 1 user, 1 account, 1 public, at private key. Kailangan mong pumili ng uri ng wallet para sa mga cryptocurrency at mag-register ng account. Puwede itong maging exchange account na may kasamang hot wallet, account sa cryptocurrency storage app, wallet sa smartphone, at iba pang uri ng wallet. Importanteng gumawa ng link sa pagitan ng random na address sa blockchain sa personal data mo at i-secure ang impormasyong ito sa memory ng blockchain network.

Ang pinaka-importanteng bagay para sa lahat ng wallet – huwag walain ang private key at seed phrase mo. Kung sa ibang exchange wallet ay may chance na i-restore ang access sa wallet sa pagkawala ng data, puwedeng maging fatal ang pagkawala para sa mga hardware wallet.

Paano gumagana ang crypto wallet?

Digital na identifier ng user ang cryptocurrency wallet sa blockchain. Ito ang conditonal na passport ng investment na in-attach mo sa wallet na ito. May mga property ang blockchain ng transparency at data security. Tinutulungan nitong i-systematize ang madaming investor sa mga cryptocurrency at ng mga konektadong account. Ang blockchain wallet, sa sitwasyong ito, sa malawak na mass ng data, ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ilang partikular na asset na pagmamay-ari ng isa o ibang investor sa mga cryptocurrency.

Paano gamitin ang blockchain wallet sa araw-araw ng buhay?

Simple lang ang paggamit ng crypto blockchain wallet. Dahil digital identifier mo ito, kailangan mong tandaan ang personal na data mo, na na-confirm mo sa pagrehistro (login, password, passphrase, two-factor authentication), i-configure ang kinakailangang blockchain depende sa uri ng asset, gamitin ang functionality ng wallet (mga transaksyon, exchange, passive earning, swap at iba pa).

How to buy bitcoin via cryptowallet?

Paano Protektahan ang Crypto Wallet Mo: 6 na Paraan Para Protektahan Ito

Nagbubukas ang digital na nature ng mga cryptocurrency ng magandang pagkakataon hindi lang para sa mga user pero para na rin sa mga manloloko. Naghahangad ang mga walang prinsipyong user na kunin ang mga asset mo, at ang gawain ng bawat investor ay tiyakin ang pinakamataas na seguridad para sa crypto wallet nila. May ilang patakaran na puwede mong gamitin para gawin ito:

  1. gumamit ng two-factor authentication para sa iyong mga crypto wallet;
  2. huwag gumamit ng mga pampublikong Wi-Fi network para mag-log sa mga wallet account mo o mag-add ng VPN proxy connection sa operation para ma-encrypt ang iyong data;
  3. Siguraduhin na up-to-date ang software ng device mo; madalas gumamit ang mga scammer ng mga system bug o butas sa security para i-attack, na inaayos ng mga update;
  4. Iwasan ang mga phishing attack at pag-click ng mga hindi verified na link, mas mabuting i-enter ang pangunahing address nang manual at i-check ito nang ilang beses;
  5. i-check ang mga detalye ng mga transaksyon (lalo na ang wallet address);
  6. huwag na huwag ibibigay ang seed phrase mo at private key sa mga third party, confidential ito na impormasyon.

Paano gumawa ng mga crypto wallet sa Pilipinas?

Puwedeng gumamit ang mga residente ng Pilipinas ng iba't ibang opsyon sa crypto wallet. Walang mga paghihigpit para sa hot at cold storage, dahil pinipili ng bawat isa ang wallet ayon sa kanilang mga pangangailangan. Halimbawa, ang trader mula sa Maynila ay mas malamang na pumili ng hot exchange wallet, na convenient para sa mga aktibong transaksyon at pag-monitor sa sitwasyon sa market.

Gayunpaman, hindi angkop ang ganitong pagpipilian para sa malaking Bitcoin holder mula sa Davao, halimbawa. Kung ang plano sa investment ay para sa medium-term (2-3 taon) o pangmatagalan (higit sa 3 taon) na diskarte sa investment, pinakamahusay na pumili ng hardware cold storage wallet. Naaangkop ang ganitong uri ng wallet para sa ganitong uri ng investment.

Tulad ng nakikita natin, mayroong malalaking bilang ng wallet ang blockchain, at ang mga personal na priyoridad lang ng mga user ang nakakaimpluwensya sa huling pagpipilian. Dapat munang suriin ng mga residente ng Pilipinas ang sarili nilang mga kakayahan at pangangailangan at pagkatapos saka magpasya sa wallet. Kasabay nito, puwedeng pagsamahin ng bawat investor ang iba't ibang wallet: magkaroon ng hardware wallet para sa Bitcoin shares, kumita sa pamamagitan ng pag-trade sa exchange, at magkaroon ng non-custodial wallet para sa libreng giveaways, mga ambassadorial token, at iba pa.

Konklusyon

Nag-aalok ang mga modernong development sa mga investor ng crypto ng malalaking pagpipilian ng crypto wallet. Isang kumplikadong gawain ang secure na crypto wallet ng mga responsableng developer at user. Dapat palaging alam ng mga investor ang mga sagot sa mga tanong na: "Ano ang mga layunin mo sa paggamit ng crypto wallet?" at "Paano i-secure ang iyong crypto wallet?". Magbibigay ang pangunahing kaalaman na ito ng kumpiyansa sa diskarte mo sa investment at kapayapaan ng isip kapag gumagamit ng mga cryptocurrency anumang oras.

ctaText
advantage-1
advantage-2
advantage-3

Rate article

Thank you for your rating, your vote has been counted

Napakadali na ngayon ng pagte-trade
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
©Exex
EXEX GLOBAL TRADE, UAB, Registration code 306368695
Vilnius, Žalgirio g. 88-101, Lithuania