MetaMask wallet: paano ito gumagana sa 2023?
Description
Sa paglitaw ng mga cryptocurrency, nagkaroon ng pangangailangan na lumikha ng isang lugar para sa ligtas at accessible storage ng mga token para sa lahat. Ang mga Crypto-purse ay naging isang lugar: convenient na mga online service. Ang isa sa mga pinakasikat ay ang MetaMask.
Ano ang MetaMask?
Ang MetaMask ay non-custodial over-the-counter wallet na isa sa mga pinakasikat na crypto wallet sa mundo. Ginawa ito ng ConsenSys noong 2016. Nagbibigay daan ito sa iyo para makapag-send, maka-receive, makapag-store, at makapag-exchange ng mga digital asset (mga cryptocurrency, token, NFT) at makipag-interact sa mga decentralized na serbisyo (mga stacking program, DEX crypto exchange, liquidity pool). Dahil ito sa quality ng interaction sa DApps kaya sobrang sumikat ang wallet.
Paano mag-connect ng wallet?
May dalawang form ang MetaMask wallet na puwedeng gamitin: bilang app para sa iOS at Android at bilang browser extension. Supported ng MetaMask ang lahat ng browser ng Google Chrome family, na kayang mag-install ng mga extension gaya ng: FireFox, Brave, at Chrome. Pumunta sa official website na metamask.io, piliin ang uri na gusto mong gamitin, at i-download (sa app store o direkta sa site).
Kailangan maging sobrang maingat ng mga investor sa stage na ito. Ngayon, napakarami na ng phishing site na katulad ng MetaMask. Puwedeng mawala ang pera kapag nag-install ng app na iyon. Kaya dapat kang magtiwala sa data mula sa official source: https://metamask.io/.
Sa pagsisimula sa paggamit ng wallet, kailangan mong tandaan ang dalawang uri ng data: ang sarili mong password (na ginawa mo) at ang sikretong phrase na 12 salita.
Bumuo ng komplikadong password na mahirap hulaan. Isa ito sa steps sa secure na paggamit.
Mahalaga rin sa bawat user na tandaan ang sikretong phrase kapag gumagawa ng crypto wallet! Ito ang pinaka-valuable na impormasyon para sa investor. Magreresulta ang pagkawala ng sikretong phrase sa pagkawala ng lahat ng funds sa wallet, dahil wala nang ibang paraan para mag-enter sa non-custodial wallet.
Ilang blockchain at cryptocurrency ang puwede kong idagdag sa MetaMask wallet ko?
Ang MetaMask ay orihinal na ginawa bilang crypto wallet para sa Ethereum at ng mga token ng blockchain na iyon. Kalaunan, naging posible ang pagdagdag ng ibang network na compatible sa Ethereum Virtual Machine (EVM). Halimbawa, Avalanche, Avalanche Subnets, Polygon, Optimism, Arbitrum, Lightstreams Mainnet, at Binance Smart Chain. Higit 35 blockchain lahat. Plus, lahat ng token na ginawa sa mga network na ito.
Paano ako magdadagdag ng bagong network sa wallet ko?
Para magdagdag ng bagong blockchain sa wallet mo, kailangan mong mag-login sa iyong account, piliin ang option na "Magdagdag ng Bagong Network" at i-enter ang sumusunod na data:
- "Pangalan ng Network" - kung ano ang itatawag sa network na iyon sa wallet mo;
- "Bagong RPC URL" - ang blockchain address, puwedeng magkaroon ang ilang blockchain ng higit sa isa.
- "Chain ID" - mga number, iba-iba para sa lahat ng blockchain;
- "Currency symbol" - ang designation ng main network token;
- "Block conductor URL" - ang address ng site para i-review ang mga transaction at wallet sa network.
Puwede kang magdagdag ng mga token sa bagong network sa pamamagitan ng pag-enter ng smart contract number o sa pamamagitan ng CMC o CoinGecko terminals.
May mga network na hindi compatible sa MetaMask wallet. Kabilang dito ang TRON, Solana, at ang infamous na Terra blockchain. Kahit na marami sa mga ito ang compatible sa EVM, hindi pa rin supported ng wallet ang mga token ng mga blockchain na ito. Gayunpaman, puwede pa ring mag-hold ang investor ng SOL o TRX sa MetaMask. Posible lang ito kung ang mga token na ito sa wrapped form ay ginawa sa mga available network na: BSC, Ethereum, at iba pa.
Paano gumagana ang MetaMask?
Naka-store lahat ng transaction at wallet balance sa cryptocurrency blockchain. Nagsisilbi ang wallet bilang application sa pag-ayos ng mga user transaction at ng mga actualization nito sa network. Ang karapatan sa pag-access sa wallet ay inayos ng sikretong phrase, ang private key ng investor. Kabaliktaran ng mga exchange, na nagtatago ng keys sa wallets sa kanilang mga opisina, ini-store ng MetaMask ang keys sa encrypted form sa device ng user. Tinatanggal nito ang centralized tampering at loss ng investment control.
Ang mga transaction ay may sign at ipinapadala sa blockchain sa computer ng user, at puwedeng i-link ang wallet sa mga decentralized application.
Nagbibigay daan sa iyo ang crypto wallet na mag-send, mag-receive at mag-store ng iba’t ibang cryptocurrency at token. Ang pangunahing impormasyon sa mga aksyon na ito ay ang wallet address. Para itong kombinasyon ng mga number at letter. Halimbawa, ganito ang hitsura noon:
0xF26b3ebF226a4aD592bfd656c559ff0c471CD00e. Kapag alam mo ang address na ito, puwede kang mag-send at mag-receive ng cryptocurrency anumang oras at mula sa anumang service.
Available din ang MetaMask Swap feature. Sa wallet, puwede kang mag-exchange ng anumang currency na pipiliin ng user. Mahalagang tandaan na para makapag-exchange, kailangan mo palaging magkaroon ng basic network token sa iyong balance (ETH sa Ethereum, BNB sa Binance Smart Chain, at iba pa). Mas maganda ang sapat para sa 5-10 standard transaction. Kailangan ito para mabayaran ang internal transaction fee.
Kasama sa mga bagong dating hindi available na feature ang direktang pagbili ng cryptocurrency para sa fiat sa MetaMask Portfolio DApp. Inanunsyo ito ng wallet Abril ng taong ito. Puwedeng pumunta ang mga user sa decentralized app, i-connect ang wallet at piliin ang tab na Mag-buy. Available ang service na ito sa 189 na bansa nang may payment sa pamamagitan ng mga debit at credit card, PayPal, bank transfer, at iba pa.
Mga Advantage at Disadvantage ng MetaMask wallet
Ang MetaMask ay may mga sumusunod na advantage:
- ito ang pinaka-accessible at convenient na crypto wallet para gamitin sa mga decentralized service;
- may malaking bilang ng mga blockchain at token na available;
- isang sikat na brand na kinikilala ng mga major player sa cryptocurrency market;
- mabilis at madaling magsimula;
- convenient form ng browser extension;
- moderate na level ng security.
Mga Disadvantage ng MetaMask wallet:
- madalas na ma-spoof ng mga phishing site;
- puwedeng mawala ang control dahil sa loss ng sikretong phrase.
Paano magagamit ang MetaMask?
Puwedeng gamitin ang crypto wallet para sa iba’t ibang function:
- para mag-store ng mga coin at token
- para mag-receive ng cryptocurrency
- para mag-participate sa mga contest (para ma-credit ang mga premyo sa wallet mo)
- para sa authorization sa iba’t ibang site na gumagamit ng blockchain technology
- para magbayad ng mga binili sa mga site na tumatanggap ng mga crypto payment
- para sa replenishment/withdrawal ng funds para sa pag-trade sa EXEX
Mahalagang tandaan na ang MetaMask ay isang hot wallet, ibig sabihin nagra-run ito sa device na connected sa internet. Inilalagay ka nito sa mas malaking risk kaysa sa paggamit ng offline cold wallet para i-minimize ang surface ng mga attack vector.
Panghuli, kapag gumagamit ng MetaMask, dapat kang maging aware kung aling site ka nagbibigay ng access. Ang pag-connect sa EXEX sa pamamagitan ng Metamask para i-replenish ang iyong balance o i-withdraw ang funds ay safe. Puwede mong basahin ang tungkol sa kung paano i-refill ang balance mo sa EXEX dito.
##Paano gamitin ang MetaMask sa Pilipinas?
Ang mga advantage ng MetaMask wallet sa Pilipinas, at sa ibang bansa rin, ay hindi maitatanggi. Convenient, accessible, at decentralized na lugar ito para mag-store ng cryptocurrency. Bilang karagdagan, nagbukas ito ng mga dagdag na oportunidad para sa passive income para sa mga investor sa Pilipinas.
Gaano nakadepende ang paggamit ng wallet sa mga territorial feature? Hindi. Puwedeng gumamit ang bawat investor sa Pilipinas ng wallet.
Kasabay nito, dahil isa itong non-custodial wallet, nasa pagmamay-ari ng owner ng wallet ang private key. At hindi available ang mga centralized locking option. Nangangahulugan ito na sigurado ang security.
Konklusyon
Ang MetaMask ay isang convenient crypto wallet pinakagusto ng milyun-milyong user. Importante na ang wallet service ay hindi natetengga at nade-develop kasama ng buong ecosystem ng mga digital asset. Isa pa, ang mahalagang advantage ng MetaMask wallet ay tumutulong ito sa maraming cryptocurrency investor na i-master ang uri ng economy na ito, intindihin ang mga property at gamitin ang data para sa kanilang benepisyo.